GAWAIN 1. Sagot mo? Isulat mo!
Panuto: Pumili ng limang pangungusap sa loob ng kahon na nagsasaad ng lokal na
pangyayari sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
Dahil sa pagmamatigas ng mga prayle na hindi ibalik ang mga lupain ng mga
kututubo, naganap ang pag-aalsang agraryo
Sinang-ayunan ng mga prayle ang kapatiran na panrelihiyon ni Apolinario dela
Cruz dahil nalaman ng mga prayle na hinangad niya na maging pari sa mura
niyang edad.
Itinatag ni Hermano Pule ang Cofradia de San Jose na isang kapatirang
panrelihiyon bilang pag-aalsa sa hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino at
Espanyol sa relihiyon.
Pinabayaan ng mga magsasaka na kamkamin o kunin ng mga Espanyol ang mga
lupa ng mga katutubong Pilipino at hinayaang maisagawa ang mga nais nito.
Naging mapang-abuso ang mga Espanyol sa mga magsasakang Pilipino sa
monopolyo sa tabako kaya nagkaroon ng pagsiklab ng kalat na pag-aalsa
Dahil sa pagkatalo ng mga Espanyol sa mga British, lumakas ang loob ng mga
Pilipino na magsagawa ng mga pag-aalsa laban sa di-makatarungang pamumuno
ng mga Espanyol