Questions


October 2022 1 1 Report
FILIPINO, Q1, WEEK 4 PANGALAN: Khnella U- Jose palma cundare PANUTO: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. cris GRADE IV Alamat ng kapuluang Pilipinas Noong bata pa ang mundo, ang kapuluan ng Pilipinas ay hindi pa bahagi ng daigdig. Noong panahong iyon, isang higante ang naninirahan sa isang yungib sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Mayroon siyang tatlong anak na babae na nagngangalang Minda, Luz at Aya. Sa talong magkakapatid, si Minda ang pinakamalakas ang loob. Isang araw, umalis ang higante upang humanap ng pagkain. Bago umalis, pinagbilinan niya ang kanyang mga anak na huwag lumabas ng yungib sapagkat mapanganib, ngunit hindi siya pinakinggan ng pinakabatang si Minda. Nang wala na ang hiagante, lumabas si Minda. Nais niyang tuklasin kung ano ang nasa labas ng yungib at bakit ito ipinagbabawal ng kanyang ama. Sa kanyang pamamasyal, hindi niya namalayang siya'y nasa ilalim na bahagi na ng dagat. Sinikap niyang bumalik ngunit tinangay siya ng alon. Humingi siya ng tulong sa kanyang mga kapatid na agad naming sumaklolo sa kanya. Sa kasamaang palad wala ni isa man sa kanila ang marunong lumangoy kaya't di nagtagal, silang tatlo ay nalunod. Nang dumating ang higante, natagpuan niya ang kanyang mga anak na nakalutang at pawang wala nang buhay. Dahil sa matinding pamimighati, nawalan ng ng malay ang higante. Kinaumagahan, nagising siya dahil sa mainit na sikat ng araw sa kanyang mukha. Nang siya'y bumangon, nakakita siya ng tatlong pulo sa dagat na dati'y wala roon. Noon niya napagtanto na ang tatlong pulo ay ang kanyang tatlong nalunod na anak. Mula noon, ang mga pulo ay pinangalanang Mindanao, Luzon at Bisaya na siyang bumubuo sa kapuluang Pilipinas. Kung may nagaganap na pagyanig ng lupa paminsan-minsan, sinasabing ang higante ay nasa paligid at dinadalaw ang kanyang mga anak. Hango sa Filipino, Pagbasa Mga Tanong: 1. Sinu-sino ang naninirahan isang yungib sa kalagitnaan ng karagatang Pasipiko? Ano ang ipinagbilin ng higante sa magkakapatid bago sila umalis? 2. Bakit lumabas si Minda sa yungib? 3. Ano ang nangyari sa tatlong magkakapatid? 4. Paano nagkaroon ng Luzon, Bisaya at Mindanao?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.