February 14, 1899 nang nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Noon ay

tinawag itong insureksyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.

Ngunit kung

tatanggapin natin ito, sinasabi natin na nasa ilalim na nga tayo noon ng mga

Amerikano. Pinalitan ito ng mga historyador na Pilipino ng “Philippine-American War”

sapagkat ang Estados Unidos noon ay nakikipaglaban na sa isang republika, ang

republika ng mga Pilipino sa Malolos.

Nilagdaan ang tratado noong

December 10, 1898. Subalit, hindi pa agad ito

epektibo, ito ay kailangan munang aprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos. Mainit

ang mga naging debate.

Para kina William Jennings Bryan at mga Democrats,

mga anti-imperialist sila. Hindi dapat kunin ang Pilipinas.

Noong gabi ng February 4, 1899, isang Amerikanong may dugong Ingles na si

Private William Grayson ay nakakita ng isang Pilipinong naglalakad malapit sa tinatawag

na Blockhouse 7. Si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company, Batalyong Morong ang

unang tinamaan ng bala. Nagkabarilan na ang mga pwersang Pilipino na nagmula sa

direksyon San Juan del Monte at ang mga Amerikano.

Hindi ito nangyari sa Tulay ng San Juan tulad ng matagal na nating alam kundi sa

may bandang Sta. Mesa na nga kung saan matatagpuan ang Blockhouse 7, sa Kalye

Silencio pagitan ng Sociego sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinabukasan, sa tulay ng San Juan at iba pang mga lugar sa Maynila at mga

kalapit na lugar, tumindi na ang bakbakan. Ang daming namatay. At dahil pinakalat

ng mga Amerikano na tayong mga Pilipino ang unang nagpaputok ng baril, ayun,

lumakas ang suporta para sa pagsakop ng Pilipinas at noong February 6, 1899,

naratipika ang Tratado ng Paris sa Kongreso ng Estados Unidos at naging legal sa

mga Amerikano ang pananakop nila ng Pilipinas. Ito ang nagsimula sa disang

digmaan na kumitil ng tinatayang 200,000 mga Pilipino.Dito inilagay ng National Historical Institute noong 2004 ang dalawang historical

marking bilang paalala na dito mismo sa lugar na ito narinig ang unang putok ng baril

na naghudyat sa panimula ng Digmaang Pilipino

-Amerikano. Sa pagkakasaad sa

wikang Tagalog: "Noong ika

-4 ng Pebrero, 1899, ganap na ika-9 ng gabi, ipinutok ni

Pvt. William Grayson ang baril hudyat ng panimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano".

Ang Tulay Ng San Juan: Taliwas sa namayaning paniniwala ng mahigit sa isang

siglo, ang unang putok ng ba

ril na naghudyat ng panimula ng Digmaang PilipinoAmerikano ay hindi nagmula sa tulay na ito, kundi sa Kalye Sociego sa distrito ng

Maynila. Sa pamamagitan ng Board Resolution 7, Series of 2003, ipinalipat ng National

Historical Institute (NHI) ang marker mula sa Tulay ng San Juan papunta sa panulukan

ng Kalye Sociego at Kalye Silencio sa Maynila.

Ang labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan

ng

Pilipino

at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino ay si Hen. Gregorio del

Pilar

. Noong Disyembre 2, 1899, pinatakas ni Hen. Gregorio del Pilar si Hen.

Emilio

Aguinaldo sa kamay ng mga Amerikano. Mahigit 100 sundalo ang nakipaglaban sa mga

amerikanong sundalo na tinatawag na "sharpshooters" dahil sa galing nilang humawak

at gumamit ng armas tulad ng baril. Mahigit 50 sundalo naman ang namatay kasama na

si Hen. Gregorio del Pilar. Pero nadakip pa rin ng mga Amerikano si Hen. Emilio

Aguinaldo dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya siya ay pinatay.
Sa Balangiga, Samar noong Setyembre 28,1901 ay patuloy na lumaban ang mga

Rebolusyonaryong Pilipino. Sila ay nagtagumpay laban sa mga Amerikanong

mananakop sa pangunguna ni Heneral Vicente Lucban. Sinuportahan ng mga taong

bayan ng Balangiga ang mga rebolusyonaryo. Ang tagumpay nila laban sa mga

mananakop ay nagpakita ng kagitingan at lubos na pagmamahal sa ating kalayaan at

bayan.

Sa Balangiga, Samar noong Setyembre 28,1901 ay patuloy na lumaban ang mga

Rebolusyonaryong Pilipino. Sila ay nagtagumpay laban sa mga Amerikanong

mananakop sa pangunguna ni Heneral Vicente Lucban. Sinuportahan ng mga taong

bayan ng Balangiga ang mga rebolusyonaryo. Ang tagumpay nila laban sa mga

mana

nakop ay nagpakita ng kagitingan at lubos na pagmamahal sa ating kalayaan at

bayan. Sa paningin ng mga Amerikano, ang naganap ay isang masaker dahil namatay

ang 46 na sundalong Amerikano. Nang gumanti ang mga Amerikano, minasaker nila

ang mga taga-Samar. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.