Questions


September 2022 1 0 Report
EDITORYAL - Marahas na parusa sa curfew violator

Maraming mga pasaway na kahit pinagbabawalan nang huwag gumala-gala sa kalye sa
kalaliman ng gabi, ay patuloy pa ring lumalabag. Mula nang isailalim sa quarantine ang maraming
bahagi ng bansa dahil sa COVID-19, nagpatupad ng curfew ang mga bayan at lungsod para maiwasan
ang pagkalat ng virus.
May mga bayan at lungsod na pagsapit ng alas-diyes ng gabi ay wala nang gagala pa sa kalye.
Ang sinomang lalabag ay huhulihin at pagmumultahin at ang iba naman ay magsasagawa ng community
service. Maraming nahuhuli at karamihan sa mga ito ay kabataan. Ang mga menor-de-edad ay
ipinagkakatiwala ng pulisya o barangay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipatatawag naman ng DSWD ang mga magulang ng mga menor-de-edad at pangangaralan.
Nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon noong Marso mas
maraming nahuling lumabag sa curfew. Karamihan ay mga kabataan na naglilimayon at mga walang
face mask. Hinuhuli sila ng mga barangay tanod at iniipon sa barangay hall at doon pinangangaralan at

ang iba ay pinagmumulta. Pero sa kabila ng paghihigpit, marami pa rin ang pasaway na lumalabag sa
curfew. Maaaring napupuno at napupundi na ang mga barangay official sa paulit-ulit na paglabag sa curfew kaya mayroong gumagawa nang kakaibang parusa. Marahil itanim sa isip ng violator ang paulit-

ulit nitong paglabag na parang nanloloko na.

Katulad nang ginawa ng isang barangay kagawad sa Maynila na sa halip parusahan nang
naaayon sa batas ang nahuling lalaki dahil sa paglabag sa curfew, pinarusahan niya ito na tumakbo nang
hubo’t hubad. Ayon sa kagawad, tinanong naman daw niya at pinapili ng parusa ang violator at ang
pinili ito ay tumakbo na hubo’t hubad. Wala raw siyang magawa dahil iyon ang pinili ng violator.

Ang ginawang parusa ng kagawad ay hindi tama sapagkat nilabag nito ang karapatan ng

nagkasala.
Ang kaparusahan ay dapat naaayon sa batas. Maaaring maharap sa kaso ang kagawad dahil sa
paglabag sa karapatang pantao. Hindi sana siya naging marahas sa pagpaparusa. Dapat alam niya ito
bilang kagawad. Nararapat malaman ito ng DILG.

1. Tungkol saan ang editoryal na balita na iyong binasa?

2. Bakit kinailangan ng mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng curfew sa kanilang nasasakupan?

3. Maituturing ba na paglabag sa karapatang pantao ang parusang iginawad ng kagawad sa lalaking

lumabag sa curfew? Ipaliwanag.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.