Questions


January 2022 1 2 Report
D iyong dulot ng Mula sa gawain 1, inaasahan na mayroon ka ng napili o mga napili ayon sa pangangailangan at sa kakayahan ng iyong pamilya sa aspetong pinansyal. Kara- niwan na maraming bagay ang isinasaalang-alang at isinasakripisyo upang mata- mo at matugunan ang iyong mga pangangailangan. Sa pagpili halimbawa ng lap- top, inaasahan na malaking kabawasan sa budget ng iyong pamilya ang pagbili nito. Sa halip na makabili ng ilang gamit sa tahanan o pagkain, ang halaga ng budget ay nagamit para sa laptop na gagamitin mo sa paaralan. Bilang pag-uugnay, paano mo mailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa sitwasyon na ipinakita sa Gawain? Ayon kay Villoria (2000), ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano matutugunan tila walang katapusang ang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ang konseptong ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, kung saan ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos ay tumutukoy naman sa pa- mamahala. Samakatuwid, ang kahulugan ng oikonomia na pinagmulan ng sali- tang ekonomiks ay pamamahala ng sambahayan (household). Napakarami ng pagkakahalintulad ng sambahayan sa ekonomiya ayon kay Mankiw (1997) na makikita sa ibaba (Balitao et.al., 2015). Sambahayan Pamayanan Gumagawa rin ng mga desisyon Gumaganap din ng iba't ibang desisyon Nagpaplano kung paano Ang pamayanan ay kailangang gumawa mahahati-hati ang mga gawain at ng desisyon kung ano-anong produkto nagpapasya kung paano hahatiin ang at serbisyo ang gagawin, paano limitadong resources sa maraming gagawin, para kanino, at gaano karami pangangailangan at kagustuhan. ang gagawin. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.