“Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, at gawin ang kanyang mga landas na tuwid, sapagkat ang oras ng kanyang pagparito ay nalalapit na” (D at T 133:17).
Mula sa Buhay ni Joseph Fielding Smith
Minsa’y sinabi ni Pangulong Joseph Fielding Smith sa isang grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw na “ipinagdarasal niya ang katapusan ng mundo.” Sabi niya, “Kung bukas ito darating matutuwa ako.” Bilang tugon sa pahayag na iyon, nagsalita nang malakas ang isang babae, nang sapat para marinig ng iba. “Naku, huwag naman sana,” sabi nito.
Nang ibahagi ni Pangulong Smith ang karanasang ito kalaunan, itinuro niya:
“Ayaw ba ninyong sumapit ang katapusan ng mundo?
“Karamihan sa mga tao ay mali ang pakahulugan sa katapusan ng mundo. …
“… Pagdating ni Cristo katapusan na ng mundo. … Wala nang anumang digmaan, kaguluhan, inggitan, pagsisinungaling; wala nang kasamaan. Sa gayon ay matututo ang mga tao na mahalin ang Panginoon at sundin ang Kanyang mga utos, at kung hindi nila gagawin ito, hindi sila mananatili rito. Iyan ang katapusan ng mundo, at iyan ang ipinagdasal ng Tagapagligtas nang lumapit sa Kanya ang Kanyang mga disipulo at sinabing, ‘Turuan mo kaming manalangin.’ Ano ang ginawa Niya? Tinuruan nga Niya sila, ‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo, [sundin ang loob Mo dito sa lupa gaya ng sa langit].’ [Tingnan sa Lucas 11:1–2.]
“Iyan ang ipinagdarasal ko. Ipinagdasal ng Panginoon ang katapusan ng mundo, at ipinagdarasal ko rin iyon.”1
Sa mga sermon at isinulat ni Pangulong Smith, madalas niyang banggitin ang mga propesiya sa banal na kasulatan tungkol sa mga huling araw, ang papel ni Joseph Smith sa paghahanda ng daan ng Panginoon, at ang pagparito ng Tagapagligtas sa kaluwalhatian. Ipinahayag niya ang matindi niyang damdamin tungkol sa mga propesiyang ito sa panalangin ng paglalaan ng Ogden Utah Temple:
“Tulad ng alam ninyo, O aming Diyos, kami ay nabubuhay sa mga huling araw na ang mga palatandaan ng panahon ay nakikita; na inyong pinabibilis ang inyong gawain sa panahon nito; at na narinig na namin ang tinig ng isang nangangaral sa ilang: Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas [tingnan sa Mateo 3:3]. …
Answers & Comments
Answer:
Paghanda para sa paparito ng ating panginoon