Composer Ka Ba?
Sa bahaging ito, ikaw ay gagawa ng sariling tula o kanta na nakatuon sa likas na
yaman ng Asya at implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
at dagdagan ng pangangalaga sa ating likas na yaman. Ang gagawing tula o kanta
ay hindi bababa sa tatlong saknong. Ang batayan sa pagpupuntos ay pagiging
orihinal ng komposisyon(10), salpok ng mensahe ng kanta o tula (5) at angkop sa
konsepto (5)please po kailangan ko ng sagot please please respect din po
Answers & Comments
Answer:
"KALIKASAN KAYAMAN"
Ang inang kalikasan ay ating kayamanan
Kaya nararapat lang na itoy pangalagaan
Sa pagpapalago neto tayo'y magtulungan
Upang kaunlaran ay ating makamtan
Nasasaksihan naten mga nagaganap ngayon
Isa na dito ang pabago bagong panahon
Baha bagyo lindol, nagaalburutong mayon
Mga apektadong tao nahihirapang bumangon
Kaya bawat isa dapat may magawa
Kailangan umaksyon at di puro salita
Sa mga taong sa kayamanan aa nagpapakasasa
Wag maging makasarili, mamamayan kaawa-awa
Maglinis, magtanim, likas na yaman mahalin
Disiplina sa sarili wag din nating alisin
Ating kalikasan wasto nating gamitin
Pagkat lahat ng ito'y Diyos ang nagbigay sa atin
Explanation:
KAYANG-KAYA MO YAN:D