Questions


September 2022 1 8 Report
c. Panuto: Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Napansin mo ang iyong kamag-aral na sa kaunting pagkakamali sa pagsulat ay agad niyang itinatapon ang kanyang papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya? 2. Nalaman mo na ang tatay ng kaklase mong si Marie ay mahilig mag-alaga ng mga natatanging hayop. Minsan sa kanyang pangingisda ay nakahuli siya ng pawikan. Inuwi niya ito at inilagay sa isang palanggana. Ano ang sasabihin mo kay Marie? 3. Nalaman mo na ang iyong tatay ay gumagamit ng dinamita sa kanyang pangingisda. Natutuhan mo sa paaralan na pinagbabawal ito ng pamahalaan at maaari siyang makulong kung siya ay mahuhuli. Paano mo ito sasabihin sa iyong tatay? 4. Marami kang kaibigan na nakatira sa may estero. Doon nila itinatapon ang kanilang mga basura kaya't madalas ang pagbaha rito. Ano sasabihin mo sa iyong mga kaibigan? 5. Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang iyong sasabihin sa bata? 6. Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo sa inyong bakuran ng biglang may pumasok na pusa at nakita mo na binato nila ito. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kaibigan? 7. Nakita mo ang iyong kaibigan na si Ann ay namimitas ng bulaklak para gamitin sa kanilang paglalaro. Ano ang sasabihin mo kay Ann? 8. Sinama ka ng iyong Nanay sa palengke at napansin mo ang mga tao ay walang humpay ang pagtatapon ng basura kahit saan. Tama ba ang ginagawa nila? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.