C. Panuto: Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Napansin mo ang iyong kamag-aral na sa kaunting pagkakamali sa pagsulat ay agad niyang itinatapon ang kanyang papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya? 2. Nalaman mo na ang tatay ng kaklase mong si Marie ay mahilig mag-alaga ng mga natatanging hayop. Minsan sa kanyang pangingisda ay nakahuli siya ng pawikan. Inuwi niya ito at inilagay sa isang palanggana. Ano ang sasabihin mo kay Marie? 3. Nalaman mo na ang iyong tatay ay gumagamit ng dinamita sa kanyang pangingisda. Natutuhan mo sa paaralan na pinagbabawal ito ng pamahalaan at maaari siyang makulong kung siya ay mahuhuli. Paano mo ito sasabihin sa iyong tatay? A Marami Iran Iraibigan na nakatira sa may estero. Doon nila
Answers & Comments
PANUTO: Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Sasabihin ko sa aking kamag-aral na hindi nakakatulong ang kaniyang ginagawa sa kalikasan bagkus, nakakasira pa ito. Alam naman natin lahat na ang mga puno ang nagsisilbing source ng papel na halos ay araw-araw natin ginagamit. Maraming puno ang napuputol dahil sa ating pangangailangan kaya naman, nararapat tayong magtipid at bigyang halaga ang bagay na ito, kahit isa lamang itong piraso ng papel.
2. Susubukan kong sabihan ang aking kaibigan na bigyang paalala ang kaniyang ama sapagkat, ang ganoong klase ng hayop ay hindi dapat inaalagaan at inuuwi sa bahay lalo na kung wala kang permiso mula sa ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa kalikasan at mga hayop.
3. Dahil sa alam ko namang pinagbabawal ang ganoong klaseng gawi, agad kong sasabihan ang aking ama sa maayos na paraan upang malaman niya na labag sa batas ng kalikasan at ng mga tao ang kaniyang ginagawa. Maraming lamang dagat ang maaaring maapektuhan at masira dahil sa gawing ito.