C 1. Ano ang nagbunsod sa Katipunan upang gumamit ng dahas sa paghihimagsik
laban sa mga Espanyol?
A. Ang likas na kagalingan sa pakikipaglaban ng mga pinunong nagtatag ng
Katipunan.
B. May sapat na kakayahan at armas ang mga Pilipino noon kaya't kayang-kaya
na nilang makipagsabayan sa mga Espanyol.
C. Ang hindi pagtagumpay ng naunang dalawang samahang gumamit ng
mapayapang paraan sa paghingi ng reporma.
Answers & Comments
Answer:
Himagsikang Pilipino
Ang nagbunsod sa Katipunan upang gumamit ng dahas sa paghihimagsik laban sa mga Espanyol ay ang hindi pagtatagumpay ng naunang dalawang samahang gumamit ng mapayapang paraan sa paghingi ng reporma, kaya ang tamang sagot ay letrang C.
Explanation:
Bukod pa rito, nakadagdag din sa galit ng mga Katipunero ang pagpatay ng mga Kastila sa tatlong paring martyr na sila Padre Gomez, Burgos, at Zamora. Ang pagkakatuklas sa samahang Katipunan at ang pagbitay kay Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 ang naging mitsa ng tuluyang pakikipaglaban ng mga Katipunero laban sa mga Espanyol. Naniniwala ang mga pinuno ng himagsikan na kung hindi madadaan sa mapayapang pakiusap ang mga mananakop ay dadaanin nalang nila ito sa dahas.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Katipunan, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/3396746
brainly.ph/question/4852845
#BrainlyEveryday