Noon, hindi masyadong mahal ang presyo ng mga produkto. Ngayon, marami na ang nagugutom dahil sa presyo ng mga bilihin. Hindi mo aakalain na ang presyo ng bigas ngayon ay umaabot na ng P40-45 bawat kilo, na aabot sa P140 kada kilo ang luya, na ito ay isa sa mga dahilan ng kagutuman at kahirapan ng maraming tao. Sa usapang pera, makikita nating napakalaki ng pagbabago sa ating bansa. Higit na mataas na ang halaga nito kumpara noon. Sabi nga ng ating mga lolo't lola,"noong araw,'benchingko' lang ang baon ko sa eskwela!" Isa sa dahilan ng pagbabagong ito ay ang pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas. Patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin samantalang higit na marami ang taong naghihirap kaysa sa mga taong abot - kaya ng sweldo ang mga pangangailangan.
Tahasang ipinaabot ni Pangulong Aquino na wala siyang nalalaman sa dahilan kung bakit nagtataasan ang pangunahing mga bilihin. Isa pa aniya, hindi dapat mabahala dahil hindi naman daw apektado ng sunud'sunod na pagtaas ng presyo ang karamihan ng mga mamamayang Pilipino. Ipinapakita lamang nito na walang kontrol ang pamahalaan sa pagbabalanse ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Ito ay nagsisilbing patunay na hindi lamang ang produkto katulad ng bigas ang napapailalim sa deregulasyon, lahat ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan ay ipinauubaya ng bulok na administrasyon sa amo nitong imperyalistang US at mga dayuhang mamumuhunan.
Isa sa mga bagay na hindi maiiwasang mangyari sa ating buhay ay ang pagbabago. At sa pagdaan ng panahon, hindi natin maitatanggi na malaki ang naging kaibahan sa ating bansa. Mabuti o masama? Iyan ang tanong. Ngunit kung paano natin haharapin ang mga pagbabagong ito ang dapat nating matutunan.
Answers & Comments
Answer:

Malungkot dahil mahihirap ay kokonti lang pera pinaghihirapan nila ang pera para sa mga pagkain nila