Biak na Bato no Riego de Dios Andres Bonifa Emilio Aguinaldo 1. Kasamahan ni Aguinaldo na lumagda sa 2. Ang namagitan sa alitan ng mga Filipin 3. Sa paanong paraan na solusyunan ang s 4. Siya ang nahalal na pangulo 5. Siya ang nahalal direktor ng interyor 6. Siya amg nahalal na pangalawang pang 7. Siya ang nahalal na kapitan-heneral 8. Siya ang nahalal na direktor ng digmaa
Answers & Comments
Answer:
thank you follow mi for more
Bagaman ang Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang nagsimula ng Himgasikang Pilipino nung Sigaw ng Pugad Lawin nung Agosto 23, 1896, ay natalo naman si Bonifacio sa lahat ng mga sagupaan nya laban sa mga Kastila mula nung Labanan sa San Juan del Monte nung Agosto 30, 1896, na halos kalahati ng kanyang hukbo na 600 ay namatay at nadakip (na kakaiba sa ipinapakita sa pelikulang”UNANG PANGULO” ni Robin Padilla, at ang aktor na ito ang gumanap na si Bonifacio). Mula nun, nanatili na lang syang nakatago sa kanyang, habang ang mga Kabitenyo ay nagsipagpasyang mag-alsa kinabukasan pagkatapos ng pagkatalo ng mga Katipunerong taga-Maynila sa San Juan kampo sa mga burol ng Morong de l Monte at kaagad nilang napalaaya ang maraming bayan sa Cavite tulad ng Kawit na si Emilio Agunaldo ang Capitan Municipal, o alkalde, at napigilan ang pag-atake ng mga Kastila sa Imus nung Setyembre 3, 1896 at naagaw ni Aguinaldo ang sable de mando ng komandante nito. Kung sakaling natalo si Aguinaldo sa labanan na ito, natapos ang Himagsikang Pilipino dun lamang, at si Bonifacio at ang kanyang Pag-aaklas ng Katipunan ay naging tulad lamang ng mga naunang pag-aaklas kontra sa Espanya, tulad ng kina Diego Silang at Francisco Dagohoy (ang huli ang pinakamatagal na pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas, na tumagal ng 85 taon mula 1744 hanggang 1829, na kung ihahambing sa pag-aklas ng Katipunan ay napakaikli nga nito). Ang mga sumunod na apg-atake ng ma Kastila ay pawing nabigo, tulad ng mga labanan sa Binakayan at Dalahikan nung Nobyembre 9 hanggang 11, 1896, st nagtulungan dito ang dalawang paksyon ng Katipunan sa Cavite, ang Magdiwang na base sa Noveleta at pinamumunuan ni Mariano Alvarez (tiyo ng asawa ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus) at me hawak sa kanlurang bahagi ng lalawigan, at ang Magdalo na base sa Imus na may hawak sa silangang-bahagi ng lalawigan at pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo na si Baldomero Aguinaldo, at nagtulungan sila sa mga labanang ito. Dito nakumbinsi ang Madrid sa pagkakabigo ni Gobernador Heneral Ramon Blanco na puksain ang Rebolusyon, kaya naging resulta nito ay napalitan sya ni Camilo de Polavieja (na lumagda ng hatol ng kamatayan kay Rizal) at ang pansamantalang pagka-suspende sa lahat ng opensibang Kastila.