Mandarambong, tulisan, bandido – iilan lamang sa naging tawag sa mga Pilipinong kriminal noong 1900s. Mula pa noong nagsimula ang pananakop ng mga Amerikano, napaniwala ang karamihan sa mga Pilipino na ang pagiging kriminal noong panahong iyon ay katumbas ng pagiging ‘kaaway’ ng bayan.
Sa pamamagitan ng Bandolero Act (1902), lahat ng pangkasarinlan at makabayang pagkilos na ginagamitan ng armas ay mahigpit na ipinagbawal at itinuturing ng Pamahalaang Amerikano na ‘dishonorable criminal activity’. Kung ito nga ang tunay at tamang depinisyon ng pagiging bandido, si Macario Sakay na siguro ang naging pinakamalaking mandarambong sa panahon ng pananakop ng Amerika. Mahigit 100 taon ang nakalipas, karamihan sa mga tinaguriang bandido noong panahong iyon ay itinuturing nang bayani sa kasalukuyang panahon.
Walang nakapagtala ng araw ng kapanganakan ni Macario Sakay ngunit tinatayang ipinanganak siya sa pagitan ng 1869 at 1878 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Una siyang nagtrabaho bilang tagagawa ng kalesa. Naging mananahi rin siya at stage actor. Nakapagtanghal siya sa ilang mga palabas katulad ng Principe Baldovino, Amante de la Corona, at Doce Pares de Francia.
Bilang isa sa mga orihinal na kasapi ng Katipunan, na sinalihan niya taong 1894, kasama niya si Andres Bonifacio na nilabanan ang mga Kastila sa kabuuan ng Philippine Revolution. Nang isuko ng España ang Pilipinas sa Amerika (1899).
Answers & Comments
Answer:
pakibasa nalang po ito
Explanation:
Sino si Macario Sakay? Bayani o Bandido?
Talambuhay Kriminal Tondo, Bandolero Act