Ang mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas sa ilalim ng nakaraang Administrasyong Estrada ay ang mga sumusunod.
Sa pamumuno ni Pangulong Estrada, binigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa ngunit marami ang naging hadlang sa kaniyang programang pangkabuhayan tulad ng:
Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba't-ibang mga bansa na umabot sa $45 bilyon ang halaga.
Mga kalamidad na bumisita sa bansa. Ang El Niño na nagdulot ng matinding tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa noong 1998 na sumira sa may mahigit sa isang milyong ektarya ng lupang sakahan. Ang mga matitinding bagyong dala ng La Niña ay kumitil sa buhay ng maraming tao at sumira sa bilyon-bilyong ari-arian sa Mindanao.
Ang pagbagsak ng ekonomiya sa Asia ay nagdulot ng pagbaba sa halaga ng piso. Ang halaga ng $1 ay humigit-kumulang sa Php. 40.00. Naging mataas din ang interes ng mga pautang sa bangko.
Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihan dahil sa pagbaba ng halaga ng piso.
Ang pagsasara ng maraming pabrika, bangko, at sari-saring kompanya dahil sa kakulangan sa pondo.
Ang kaguluhan sa Mindanao na dulot ng Abu Sáyyáf na kumidnap ng mga inosenteng mamamayan at dayuhan.
Ang patuoy na kriminalidad, kidnapping, at pagkalat ng ipnagbabawal na gamot.
Ang mga malawakang katiwalian sa pamahalaan at malaking kakulangan sa pondo nito.
At ang kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa ekonomiya.
Kung ito ay nakatulong, huwag kalimutang markahan ito bilang brainliest answer.
Answers & Comments