Tags: Filipino (language), Rodrigo Roa Duterte, SONA 2016, State of the Nation Address
State of the Nation Address of
Rodrigo Roa Duterte
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
[Delivered at the Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2016]
(FILIPINO VERSION)
Salamat. Ipermiso ninyo akong maging impormal. Mapapansin ninyo na ang tatlong lalaki sa nakaangat na bahagi ng Kongreso ay mula sa Mindanao. So, wala talaga kaming masabi. Pangulo ng Senado Aquilino Pimentel III, mga miyembro ng Senado, Ispiker Pantaleon Alvarez, Pangalawang Pangulo Maria Leonor Robredo, dating Pangulo Fidel V. Ramos, Pangulong Joseph Ejercito Estrada, at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, mga Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, ang Kaniyang Kamahalang Papal Nuncio at mga miyembro ng diplomatic corps. Kailangan ko ring batiin ang Kalihim Tagapagpaganap Salvador Medialdea, ang mga miyembro ng Gabinete, mga kasama kong manggagawa sa gobyerno, mga kababayan ko.
Hindi tayo uusad kung hahayaan nating hilahin tayo ng nakaraan. Ang paninisi ay maling pamamaraan. Kayâ hindi ko aaksayahin ang mahahalagang oras para sisihin kung sinong may sala sa gusot na kinasasadlakan natin at pinagdudusahan.
Maliban siguro para makabuo ng aral o higit pa sa mga kamaliang ito, hindi tayo papipigil dahil ang dapat pinahahalagahan ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na dapat nating pinaghahandaan.
Bakâ ako ay hindi maintindihan, gusto kong linawin, na ang mga nagtaksil sa tiwala ng taumbayan ay maparurusahan at mabibigyan ng araw sa hukuman. At kung sapat ang mga ebidensiya, may araw din sila para magdusa.
Answers & Comments
Answer:
The 2016 State of the Nation Address (Filipino)
August 15, 2016

Explanation:
carry on learning