Questions


October 2022 1 1 Report
Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at isulat ang letra o titik ng tamang sagot sa
patlang
1. Anong pangyayari ang naganap sa ating kasaysayan noong ika-19 ng Agosto 1896?
A. Pagkadeklara ng Batas Militar
B. Pagkahuli ng mga katipunero
C. Pagpupulong ng mga katipunero
D. Pagkabunyag ng lihim na kilusang o KKK
2. Noong ika- 23 ng Agosto 1896 nagpulong sina Bonifacio at mga katipunero sa
bahay ni Melchora Aquino. Kilala ang lugar na ito sa tawag na
A. Biak-na-Bato
B. Pasong Tirad
C. Pugad Lawin
D. Pinaglabanan sa San Juan del Monte
3. Ang mga sumusunod ay mga kaganapan sa pagpupulong ng mga katipunero sa Pugad
Lawin maliban sa isa.
A. Pagpunit ng sedula
B. Pagplano sa himagsikan
C. Pagsanib sa pamahalaang Espanyol
D. Pagsigaw ng “Mabuhay ang kalayaan!"
4. Kailan naganap ang madugong labanan sa San Juan del Monte?
A. Noong Hulyo 7, 1892
B. Noong Agosto 19, 1896
C. Noong Agosto 23, 1896
D. Noong Agosto 30, 1896
5. Kanino nalaman ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang lihim na kilusan?
A. Kay Apolonio Dela Cruz
B. Kay Padre Mariano Gil
C. Kay Sancho Valenzuela
D. Kay Teodoro Patiño
6. Ano ang dahilan ng pagkatalo ng mga katipunero sa labanan sa San Juan del Monte?
A. Dahil kulang sila sa pagkakaisa.
B. Hindi nila sinunod ang plano ng himagsikan.
C. Dahil pinanghinaan ng loob si Andres Bonifacio
D. Dahil sa kakulangan ng armas at walang karanasan sa pagkikipagdigma.
7. Bakit sa palagay mo idineklara ni Gob. Hen Ramon Blanco ang Batas Militar sa 8 lalawigan?
A. Para mapigilan ang himagsikan
B. Para ipakita ang kanyang kapangyarihan
C. Para makipagkasundo sa mga katipunero
D. Para bitayin ang lahat ng mga katipunero
8. Sa iyong pananaw, anong katangian ang ipinakita ni Padre Mariano Gil sa
pagsuplong niya kay Gob. Hen. Blanco?
A. Hindi mapagkatiwalaan
B. Tapat sa kanyang tungkulin
C. Marunong magtago ng lihim
D. Masunurin sa mga nakatataas
9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa kalayaan maliban
sa isa.
A. Makiisa sa mga pagdiriwang ng mga piyesta opisyal
B. Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng pamahalaan
C. Sumali sa mga malawakang pagra-rally laban sa pamahalaan.
D. Makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga makasaysayang pook.
10. Maraming katipunero ang nagbuwis ng buhay para sa adhikaing makalaya. Ilang ulit ang
kanilang pagkatalo ngunit hindi sila sumuko sa
pakikipaghimagsikan. Anong katangian ang kanilang ipinakita?
A. Tapat at may paninindigan.
B. Matapang at hindi sumuko sa laban.
C. Marunong tumupad sa mga napagkasunduan.
D. Lahat ng nabanggit.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.