Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto. Palitan ng wastong salita ang mga nakasalungguhit kung mali upang maging tama ang mga pahayag.

1. Ang mga Kabihasnang Maya, Aztec at Mali ay ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica.

2. Ang Kabihasnang Maya ay naabot ang rurok nito sa pagitan ng 300 CE at 700 СЕ.

3. Ang pinuno ng mga Mayan ay tinatawag na Halack Uinic.

4. Ang Kabihasnang Mayan ay namayani o umusbong sa Hilagang Mexico.

5. Ang sentro ng mga lungsod ng mga Mayan ay may isang pyramid na ang itaas na bahagi ay may dambana para sa mga diyos.

6. Itinatag ng mga taga-Aztec ang pamayanan ng Tenochtitlan noong 1325 sa isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco.

7. Ang mga Aztec ay bumuo ng alyansa sa mga taga lungsod-estado ng Polynesia at Micronesia at sinakop ang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

8. Ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng ulan.

9. Si Tlacaelel ay isang tagapayong heneral na nagbigay-daan sa kanilang pagbabago at itinaguyod niya ang pagsamba sa diyos na si Huitzilopochtli.

10. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang lungsod ng Tenochtitlan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.