Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa linya ang tinutukoy ng bawat
bilang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
Military Assistance Agreement
Neocolonialism
Military Bases Agreement
Soberanya
Colonial Mentality
Philippine Navy
Panloob na Soberanya
Philippine Air Force
Philippine National Police
Soberanyang Panlabas
1. Itinakda ng kasunduang ito ang pagpapahintulot na manatili
sa Pilipinas ang 23 base-militar ng Amerika sa ibat ibang sulok ng bansa.
2. Sa kasunduan namang ito binigyan ng Pilipinas ang mga
Amerikano ng karapatang tumulong sa pamamahala at pagpapaplano ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas.
3. Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng malakas at
makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng panggigipit sa ekonomiya,
politika, at iba pa para makontrol o maimpluwensiyahan ang mga bagong tatag na
estado.
4. Pagtangkilik sa mga gawang imported kaysa sa gawang
local.
5. Ito ang pinakamataas na kapangyarihan ng isang estado o
bansa.
6. Tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong mapasunod sa
lahat ng mga taong naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito.
7. Ito ay ang kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng
gawain at naisin ng bansa tungkol sa ekonomiya, edukasyon, buwis, hanapbuhay at iba
pang nagbibigay suliranin o tinatayang mag-aambag sa kagalingan ng bans ana hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.
8. Sila ang ating tanod sa himpapawid. Pinangangalagaan nila
ang katahimikan ng ating himpapawid.
9. Sila ang nagpapatupad ng lahat ng batas at ordinansang
may kaugnayan sa pagtanggol ng buhay at ari-arian.
10. Sila ang nangangalaga at nagbabantay sa ating mga
katubigan at tinatawag ding bantay dagat.
Answers & Comments
Answer:
1.military bases agreement
2.military assistance agreement
3.neocolonialism
4.colonial mentality
5.soberanyang panlabas
6.soberanya
7.panloob na soberanya
8.philippine air force
9.philippine national police
10.philippine navy
Sana makatulong ito:)
Kaya mo yan