Basahin ng payagan sa ibaba at pa ipaliwanag ito maaaring gamitin ng larawan sa pagpapaliwanag.
"Tangkilikin ang sariling atin."
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
No nosense answer please -,-
Answers & Comments
Answer:
Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay pagtaguyod at pagpapaunlad sa sariling atin o ginawa tulad nito para sa ikakaunlad at hindi pakikinabang para sa iba
Explanation:
CINOCOPY KO LANG PO YAN BAKA KASI MAKATULONG :)
Explanation:
sa panahon ngayon ang ating mundong ginagalawan ay lumalawak na dahil sa paglaganap ng makabagong teknolohiya. Kahit hindi mo pa napupuntahan ang isang lugar ay para ka na ring nakapunta dahil sa impluwensiya ng internet katulad ng youtube. Gayundin sa pagpili ng produkto, kahit nasaan man ito, ang anumang produkto ay napakadali ng mabili, dahil sa online shopping, sa ating bansa man o sa ibang bansa man. Sa mga pangyayaring ito, ang mga produktong tatak pinoy ay kinakailangan ng makipagkumpetisyon sa mga produktong itinitinda ng ibang bansa.
Naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa kapag bumibili tayo ng produktong galing sa ibang bansa. sa halip na sariling atin ang bilhin o tangkilikin. Hindi natin napapansin na mismo tayong mga Pilipino ang nagpapababa ng sitwasyon natin dahil sa labis na paghanga sa mga produktong dayuhan.. Isama pa natin dito ang ibang bansa na ngayon ay kumikita sa ating bansa dahil alam nilang ang mga Pilipino ay mahilig sa kanilang mga produkto .
Ang tanging solusyon lamang sa suliranin na ito ay dapat tangkilikin natin ang sariling atin sapagkat makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa paraang ito ay maipapakita natin na mahal natin ang ating bansa. Tangkilikin natin at ipagmalaki natin ang mga produkto na gawang pinoy.