Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang kaukulang letra ng tamang sagot.

1. Dalawang patakaran ang pinairal ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang pananakop. Alin ang patakarang humikayat sa mga Pilipinong makipagtulungan sa mga Amerikano sa pagtatatag ng bagong pamahalaan sa ilalim ng Estados Unidos?


A. Kooptasyon

B. Pasipikasyon

C. Sibil

D. Militar

2. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang bahagyang pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ito ay ang_____.


A. 1 taong pagpapatupad ng iba’t ibang patakaran

B. 5 taong pamahalaang sibil

C. 8 taong pamahalaang militar

D. 10-taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa

3. Ang sangay pamahalaang Komonwelt ay nahati sa tatlo. Alin dito ang hindi kasali sa sangay ng pamahalaang Komonwelt?


A. Ehekutibo

B. Lehislatibo

C. Hudikatura

D. Gabinete

4. Anong sistema ng edukasyon ang ipinatupad ng mga amerikano sa Pilipinas?


A. pribado

B. pampubliko

C. may bayad

D. pang mayaman

5. Noong Abril 9,1942, bumagsak ang Bataan kasunod ang pagsuko ng hukbo sa Corregidor noong Mayo 6,1942. Ano ang ginawa ng mga Hapones sa mga nahuling sundalong Pilipino at Amerikano na naging simula ng lubusang pananakop ng Hapon sa Pilipinas?


A. Ipinapatay ang lahat ng mga nahuling sundalong Pilipino at Amerikano

B. Binigyan ng pagsasanay ang mga nahuling sundalong Pilipino at Amerikano

C. Isinama ang mga nahuling sundalong Pilipino at Amerikano sa hukbo ng Hapon

D. Pinalakad ang mga nahuling sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang Capas,Tarlac ng mga Hapones (Death March)

6. Ano ang tawag sa ginawang paraan ng mga Pilipino para lamang mabuhay dulot ng matinding krisis sa ekonomiya,kawalan ng hanapbuhay,kakulangan sa pagkain at iba pang pangangailangan sa panahon ng pananakop ng mga Hapones?


A. Economy of Survival

B. Survival Challenge

C. Nagtanim ng mga gulay

D. Nagluto ng mga kakanin

7. Ano ang nagbunsod sa mga Pilipino na magtatag ng kilusang gerilya?


A. Kakulangan sa mga programang magsusulong sa kaunlaran ng bansa

B. Kawalan ng hanapbuhay sa panahon ng mga Hapones

C. Pagnanais na makapunta sa ibang bansa

D. Kalupitan ng mga Hapones sa mga Pilipino

8. Bakit natalo ng mga Hapon ang mga sundalong kasapi ng USAFFE sa Bataan?


A. Sila ay mga walang mga training

B. Naputol ang rasyon ng pagkain at bala

C. Maraming USAFFE ang takot lumaban

D. Nais nila na sila ay maging kasapi ng mga Hapones

9. Ang mga Pilipino ay hindi pa handa sa pagsasarili. Sino ang nag-ulat nito sa kanyang pagbabalik sa Estados Unidos pagkatapos pamunuan ang kauna-unahang komisyong ipinadala sa Pilipinas.


A. William McKinley

B. William H. Taft

C. Jacob G. Schurman

D. William A. Jones

10. Sa panunungkulan ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison, lubusang nagkaroon ng pagkakataon sa pamamahala ang mga Pilipino at unti-unting nababawasan ang bilang ng mga Amerikanong humahawak ng mahalagang puwesto sa pamahalaan. Tukuyin ang hakbang na ginawa ng pamahalaang Amerikano para sa paglilipat sa mga Pilipino ng kapangyarihang mamahala.


A. Pilipinisasyon sa pamahalaan

B. Pagpapatibay ng Batas Tydings - McDuffie

C. Pagpapadala ng Komisyong Taft sa bansa

D.Pagpapadala ng misyong pangkapayapa
pls pa help po

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.