Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot
mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa
sagutang papel.
1. Ang heograpiya ay sinasabing reyna ng mga agham. Alin sa mga
pahayag ang sumusuporta dito?
A. Ang heograpiya ay batayan ng pag-aaral ng kasaysayan.
B. Saklaw ng pag-aaraal ng heograpiya ang iba’t ibang agham.
C. Maituturing ang heograpiya bilang maliit na bahagi ng agham.
D. Ang pag-aaral ng heograpiya ay nakatuon sa iilang sangay ng
agham.
2. Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa
bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural?
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Paggalaw
D. Rehiyon
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng
lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga
Kristyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga
dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean,
timog ng Bashi Channel at silangan ng West Philippine
Sea.
4. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng heograpiya,
maliban sa
A. Anyong lupa at anyong tubig
B. Klima at panahon
C. Likas na yaman
D. Reaksyon ng mga kemikal
5. Tumutukoy ito sa matigas at mabatong bahagi ng planetang
Daigdig.
A. Crust
B. Mantle
C. Core
D. Stratosphere
6. Ang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa
posisyon, sa halip, ay patuloy na gumagalaw.
A. Pangaea
B. Plate
C. Kontinente
D. Rehiyon
7. Linyang heograpikal na humahati ng daigdig sa hilaga at timog
hemisphere.
A. Equator
B. Prime Meridian
C. International Date Line
D. Parallels
8. Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 419,
000 kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9 % ng saklaw ng
surface ng daigdig. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Mas malawak ang kalupaan sa mundo.
B. Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
C. Malalim ang katubigan ng mundo.
D. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
9. Hango ang heograpiya sa salitang Greek na geo at graphein.
Ano ang ibig sabihin ng salitang geo?
A. Paglalarawan
B. Bahay
C. Daigdig
D. Pamamahala
10. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian,
pakanluran man o pasilangan ay ______________________
A. International Date
Line
B. Tropic of Cancer
C. Zero degree longitude
D. Equator
11. Ang kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa
takdang oras.
A. Klima
B. Temperatura
C. Panahon
D. Season
12. Pinakamalaking dibisyon ng kalupaan ng mundo.
A. Isla
B. Bansa
C. Kontinente
D. Rehiyon
13. Kung ikaw ay nasa zero degree latitude, ang linya ng globo na
iyong kinaroroonan ay tinatawag na ___________________.
A. Prime Meridian
B. Equator
C. International Date Line
D. Tropic of Capricorn
14. Tumutukoy ito sa distansyang angular na nasa pagitan ng
dalawang meridian patungo sa kanluran o silangan ng Prime
Meridian.
A. Longitude
B. Latitude
C. Grid System
D. Tropics
Mga Tala para sa Guro
Ang mga teksto ay maaaring maging batayan para sa paglikha ng
worksheetna higit na magpapalinang ng kahusayan ng mga
mag-aaral.
15. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong lupa, maliban
sa isa
A. Bundok Everest
B. Tangway ng Siam
C. Baybayin ng Bengal
D. Talampas ng Tibet

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.