Questions


December 2021 1 3 Report
Basahin ang sanaysay na ito bago sagutin ang katanungan sa ibaba. Dahil sa pagkabigo ng mga kilusang pagbabago ng mga Pilipino marami ang nag-akalang hindi na nila makakamit ang inaasam-asam na kalayaan. Subalit, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay naitatag ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan noong Hulyo 7, 1892. Si Bonifacio ang kinilalang Supremo ng Katipunan. Ang mga kasapi ng samahang ito ay nagmula sa iba’t ibang sektor ng lipunan at tinawag na katipunero. Isang lihim na samahan ang Katipunan, kasama ni Bonifacio na nagtatag nito sina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at Jose Dizon sa 72 Kalye Azcarraga na ngayon ay kilala na bilang Claro M. Recto.Pangunahing layunin ng samahan na wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng lakas. Layunin ding pukawin ang damdaming makabansa at tubusin ang lahing Pilipino mula sa pang-aapi ng Espanya atSino sa mga bayani sa panahon ng himagsikan ang higit mong hinangaan? Bakit? _kalupitan ng simbahan. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat ng Pilipino sa ilalim ng isang matibay na hukbo at paglaban para sa kalayaan sa pamamagitan ng isang rebolusyon.Si Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan, ang tagapayo ni Andres Bonifacio. Siya rin ang patnugot ng pahayagan ng samahan na Kalayaan. Sina Bonifacio at Jacinto ay sumulat ng mga artikulo upang makaakit ng marami pang kasapi. Higit dito layunin ng kanilang panulat na maitanim ang mga mithiin at aral ng Katipunan sa mga kasapi nito. Ang Kartilya ang panimulang aklat ng Katipunan. Sinulat ito ni Emilio Jacinto. May 13 artikulo itong inaasahang susundin ng mga Katipunero.Upang hindi mabisto ang samahan ang mga kasapi ay gumamit ng iba’t ibang sagisag upang maproteksiyunan ang mga sarili laban sa mga guwardiya sibil. May tatlong antas na kinabibilangan ang mga Katipunero. Ang una ay ang mga tinatawag na Bayani ito ang pinakamataas sa samahan at sila ay gumagamit ng hudyat na Rizal. Ang ikalawa ay ang mga Kawal na gumagamit ng hudyat na GomBurZa, at ang ikatlo ay ang mga Katipon na gumagamit naman ng hudyat na Anak ng Bayan. Bawat kasapi ay hinihikayat na maghanap ng mga bagong kasapi kung kaya’t unti-unting dumami ang mga kasapi ng Katipunan ng hindi namamalayan ng mga guwardiya sibil._Ang planong pag-aalsa ay napag-alaman ng mga Español habang puspusan ang paghahanda ng mga Katipunero sa darating na rebolusyon. Noong Agosto 19, 1896 sa ganap na ika-6 ng gabi, nabunyag ang lihim na samahan, isiniwalat ni Teodoro Patiño na isang katipunero kay Padre Mariano Gil ang lihim ng Katipunan. Nagawa niya iyon dahil sa payo ng madre at ng kapatid niyang nakatira sa Tahanan ng mga Ulila sa Mandaluyong. Itinuro ni Patiño ang imprenta ng mga Katipunero na nasa tanggapan ng Diario de Manila. Si Pedro Mariano kasama ang mga gwardiya sibil ay sumaakay sa talyer at sa kanilang paghalughog ay natuklasan ang lihim ng Katipunan. Hinuli at ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghihinalaang Pilipino na kasapi sa Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito napilitan ang mga Katipunero na simulan na ang paglaban sa mga mananakop kahit na hindi pa ito handa ng lubusan.Sa pagsiklab ng digmaan, marami sa mga Pilipino ang sumapi sa Katipunan. Pilit mang sinusupil ng mga Español ang pagsali ng mga Pilipino sa samahan, lalo namang sumiklab ang damdaming makabayan ng mga mamamayan at unti-unti na naisasakatuparan ang mga layunin ng Katipunan._____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.