Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Lakan Parameswara sa pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.
Noong 1819, napunta sa kontrol ni Thomas Stamford Raffles ang lungsod upang hadlangan ang dominasyong pangkalakalan (commercial) ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng Singapura, Malaka at Penang.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, mula 15 Pebrero 1942, napasailalim ang pulo sa Imperyong Hapon,
Pagkatapos ng digmaan, napiling punong ministro si Lee Kuan Yew. Ang kanyang partido na People's Action Party ay nagmungkahi para sa integrasyon nito sa kalipunan ng Malaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong 9 Agosto 1965 pinahayag ang kasarinlan ng Republika ng Singapura
Politika
Pangunahing lathalain: Politika sa Singapura
Ang parlamentarismong Ingles ang nagbigay-diwa sa saligang-batas ng Singapura. Ang People's Action Party (Partido ng Kilusang Popular) ang nangingibabaw sa politika ng bansa pagkaraan ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng pamahalaan ay mas hawig sa awtoritarianismo kaysa sa isang demokrasyang pangmaramihang-partido.
Subalit, sa kabaligtaran, masasabing isang modelo ng transparency ang ekonomiyang pamilihan ng Singapura at halos walang katiwalian na nangyayari sa pamahalaan. Ang Singapura ay isang miyembro ng ASEAN.
Answers & Comments
Answer:
Kasaysayan
Politika
Explanation:
Answer:
Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore,