Balikan Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang-papel. 1. Kailan at saan itinatag ang “Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK"? 2. Bakit itinatatag ang KKK? 3. Sino ang mga nagtatag ng KKK? 4. Ano ang pangunahing layunin ng samahan? 5. Paano nabunyag ang KKK?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ay naitatag noong Hulyo 7, 1892 sa isang tahanan sa Azcarraga Street na ngayon ay kilala na bilang Claro M. Recto Avenue, sa Tondo, Maynila.
2. Ito ay lihim na samahan na itinatag na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
3. Andres Bonifacio
4.Layunin ng KKK na pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang Kalayaan ng Bansa sa pamamagitan ng himagsikan para mapalaya ang bansa sa mananakop.
5. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan