Questions


September 2022 1 1 Report
BALIKAN Magaling, natapos mo ang iyong pa-unang pagsubok. Kapag ang iskor mo ay mababa, huwag kang mag-alala, ito ay palatandaang kailangan mong maunawaan nang lubos ang nilalaman ng aralin.

Bago ka dumako sa aralin sa araw na ito na tungkol sa mga pangyayari sa Panahon ng Himagsikang Pilipino ay balikan mo muna ang nakaraang aralin at mga kasanayan na iyong natamo.

Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na nagpapaliwanag sa naging resulta ng mga kilusan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino at ekis (X) ang hindi.

1. Maraming mga nakapag-aral na Pilipino ang sumapi sa Kilusang Propaganda.

2. Ginamit ang kanilang kakayahan sa pagsulat upang maipaabot sa mga kainauukulan ang kanilang mga hinaing.

3. Matapang na sinulat ng mga Propagandista ang mga pang-aabuso ng mga Espanyol.

4. Nagkanyakanya ng adhikain at layunin ang mga Pilipino para sa kanilang mga pansariling kapakanan

5. Natakot ang mga Pilipino sa mga kilusan kaya sila ay nanahimik at tinanggap ang lahat ng pang-aabuso.

6. Maraming mga Pilipino ang naniwala sa pilosopiya ni Bonifacio kaya dumami ang mga katipuneros

7. Ang pagdakip kay Rizal ang lalong nagpaalab sa hangarin ng mga Pilipino sa kalayaan.

8. Pinagyaman ng mga Katipuneros ang pagkakaisa at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan sa pagsasabuhay nito.

9. Natakot ang mga Espanyol sa Katipunan kaya nilisan nila ang Plipinas.

10. Si Bonifacio ay simbolo ng katapangan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.