Sa ekonomiya ng isang bansa ay may mga sistemang sinusunod upang magkaroon ng ganap na magandang kabuuan ang mga kaisipang nabuo. Ito ay lubos na mahalaga sapagkat nakasalalay ang pang-araw-araw na pangangailangan ng tao. Alinsunod sa mga sistemang pang-ekonomiya, mayroong tinatawag na tradisyunal na ekonomiya. Ano ba ibig sabihin nito? At paano ito naisasakatuparan?
Mahalagang impormasyon
Ang sinasabing tradisyon na ekonomiya ay ang itinuturing na kauna-unahang anyong sistema ng ekonomiya. Ang mga ginagawang desisyon ay laging nakabatay alinsunod sa tradisyon, paniniwala at kultura ng mga tao sa isang lugar na kinabibilangan. Halimbawa ng mga ito ay:
Kaugaliang o kulturang pagmamano sa mga nakatatanda kamag-anak man o hindi.
Paniniwala na kapag may pusang itim na dumaan sa harapan ng isang tao ay dadanas ng kamalasan o mayroong masamang mangyayari.
Ang mga tradisyong ipagdiwang ang Pista depende sa kung anong uri ito at depende rin sa kung saan naninirahan.
Sa mga sinaunang tao, ang mga pagkain ay ibinibigay ng mga kalalakihan na nangangaso at ang mga kababaihan namang nangunguha ng mga bungang-kahoy ay at mga babaeng nagtatanim.
Kumpara sa ibang mga pamamaraan, sa tradisyunal na ekonomiya ang mga nagdedesisyon ay ang mga tribo, komunidad at pamilya sa kung ano ang mga produktong bubuuin, kung paano ito bubuuin at kung para kanino ito ipamamahagi. Ito ay umiikot lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao katulad ng mga:
Damit
Pagkain
Tirahan
Ang mga tao ay hindi na nahihirapan pagdating sa paghahanap buhay sapagkat ang mga trabaho noon ay pangingisda, pagsasaka at pangangaso lamang. Sa madaling salita, napakapayak ng pamumuhay ng mga tao sa ekonomiyang ito. Kung ano ang mga bagay na kanilang matatagpuan sa kanilang mga paligid ang siya nilang gagamitin at papakinabangan.
May batas ba sa sistemang ito patungkol sa Alokasyon katulad ng ibang sistemang pang-ekonomiya?
Sa sistemang pang-ekonomiyang ito, wala itong tuwirang batas patungkol sa Alokasyon kumpara sa ibang sistemang pang-ekonomiya. May malinaw na pagkakaunawaan ang mga tao sa sistemang ito. Isang matibay na halimbawa nito ay:
Ang mga kalalakihan ang siyang mga namamahala pagdating sa mga sandata katulad ng sibat na siya nilang unang gamit pang-depensa upang may makain. Samantala, ang mga kababaihan naman ang humahawak o ang namamahala ng mga kagamitan sa pananahi. Ang mga produkto na kanilang magagawa ay kanilang ipamamahagi base sa mga pangangailangan at kung sino ang mga dapat gumamit nito.
Maikling introduksyon sa kung ano ang Alokasyon?
Ito ay isang pamamaraan kung saan tumutukoy sa paglalaan ng tamang dami ng pinagkukunang yaman na nababatay sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Hindi ito isang paraan kung saan isa lamang pagbabaka-sakali. Kinakailangan ng isang kongkretong hangarin ng paggamit sa mga pinagkukunang yaman. Ito ay kailangan maisagawa upang ang pinagkukunang yaman ay hindi kaagad-agad maubos sapagkat ito ay sadyang limitado lamang. Ang alokasyon ay isang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng mga kasapi na kabilang sa isang ekonomiya. Sa alokasyon, ang pagbuo ng impormasyon patungkol sa tutugunang pangangailangan ay maaaring maituring na sentralisado o desentralisado. Ano ba ang mga ito?
Sentralisado – ito ay kapag ang mga kinakailangang impormasyon ay ipinapatupad ng mga grupo ng tao o institusyon o ng mga iilang tao lamang.
Desentralisado – kapag binibigyan ng pahintulot ang iba’t-ibang miyembro ng ekonomiya na makapagbuo ng mga tamang impormasyon at magtakda kung ano ang mga pangunahing pangangailangan ang kailangang unahing matugunan.
Tinutukoy rin kung paano at kung sino ang magbibigay halaga sa mga pinagkukunang-yaman. Ang dalawang paraang maaring maging kaayusan ay:
Pinag-uutos (command) – patakaran ng pamahalaan ang siyang magtatakda sa pagbibigay halaga sa mga pinagkukunang-yaman.
Pakikipagpalitan (exchange) – ang halaga ng mga pinagkukunang-yaman ay itinatakda ng mga plano ng mga miyembro bilang tugon sa kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
cherryacarnonobal16
ans,,. sapagkat sa tradisyunal na ekonomiya bagamat walang batas ukol sa alokasyon o pamamahagi Ng yaman maliwanag na may pagkakaunawa Ang mga tao sa paraan nito.Ang anumang produkto o serbisyo na kanilang malilikha ay ipapamahagi ayon sa kanilang pangangailangan. sana po makatulong di po ako studyante ,gusto ko lang makatulong sa inyo,,godbless
Answers & Comments

pa barienliest ❤️