Ang Mamamayang Pilipino • Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987.
Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.
Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang.
Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng NATURALISASYON.Ang NATURALISASYON ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.
Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
Uri ng Mamamayang Pilipino 1. Likas o Katutubong Mamamayan Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang o pareho ang Pilipino.
2. Naturalisadong Mamamayan Ang naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
Mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais maging Naturalisadong Pilipino 1. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na. 2. Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy tuloy sa loob ng sampung taon. Ito ay maaaring maging limang taon na lamang kung: a. Ipinanganak siya sa Pilipinas; b. Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino; c. Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong paaralan; at d. Mayroon siyang bagong industriya o nakagawa ng isang bagong imbensyon sa Pilipinas.
3. Siya ay may mabuting pagkatao. 4. Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas. 5. May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa Pilipinas. 6. Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino. 7.Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino. 8. Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Answers & Comments
Answer:
Ang Mamamayang Pilipino • Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
yan na po
Answer:
saan po sumusunod? HIndi ko po masagutan dahil hindi ko po maintindihan
Explanation: