Unang-una sa lahat, ang Pilipinas bilang isang bansa ay dapat lamang maghangad ng kalayaan mula sa kahit na ano o sinong dayuhan. Dito pa lamang sa mentalidad na ito ay mararamdaman na natin kung bakit napakahalaga ng kalayaan para sa mga Pilipino. Kalayaan ay kasarinlan. Ang kasarinlan ay pagpapahalaga sa ngalan, kanyang minamahal na tinubuan lupa, at higit sa lahat sa buhay ng mga tao, buhay ng mga mamamayang Pilipino.
Ang pagiging alipin ng hindi kagustuhan ng ating damdamin ay kawalan ng kalayaan. Ito na siguro ang pinakamasaklap na maramdaman ng isang tao o ng isang bansa dahil nabubuhay siyang burado ang kanyang kasarinlan.
Kaya napakahalaga ng pagtamasa ng kalayaan dahil bilang isang Pilipino, matatamasa ang mga karapatan dahil kakambal ng kalayaan ang responsibilidad o pananagutan – pananagutan na walang kinikilingan sa lahat ng buhay. Kung ang bawat isa ay may pakialam sa buhay ng isang tao, batid nito ang kalayaan nitong mabuhay at batid din nito na responsibilidad natin na maprotektahan ang kaniyang mga karapatan para mabuhay. Ganito kahalaga ang kalayaan dahil batid nating lahat na kailangan igalang at pangalagaan ang kalayaan ng isang tao o ng kapwa tao.
(Tingnan ang link na ito. Maaaring makatulong: Gaano kahalaga ang kalayaan sa isang tao,sa isang lahi,at sa isang bansa? - brainly.ph/question/276375)
***************************
Ngunit ano ang kalayaan?
Ang konseptong may pagkakontemporaryo ay nagsasabing ang kalayaan ay politikal at nagmula sa konsepto ng mga Griyego ukol sa pagkaalipin. Para sa mga Griyego, ang kalayaan o ang pagiging malaya ay pagkakaroon ng walang amo at kakayahang mabuhay nang hindi umaasa sa kahit na sino. Iyan ang orihinal na konspeto ng kalayaan ng mga Griyego. Malapit itong iniuugnay sa demokrasya at ito na rin siguro ang nagbunsod kung bakit mahalaga ang demokrasya at kalayaan ng pagpapahayag. Sa pilosopya, ang kalayaan ay dapat na binubuo ng kalayaan ng kalooban at salungat ng determinismo. Samantalang kung ito ay politikal, ito ay binubuo ng panlipunan at pampulitikal na kalayaan na dapat ay tinatamasa ng kalahatan habang sa teolohiya naman, ito ay kalayaan mula sa pagkalugmok sa pagkakasala.
Ang kalayaan natin ay dapat nating ikinakaakibat sa responsibilidad at sa pananagutan. Kailangang mapanagutan natin ang anumang kilos at pagpapasyang ginagawa natin dahil sa ating pagiging malaya. Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama ngunit dapat ay lagi ring tandaan na ang kalayaan at pananagutan ay kambal. Mabuti kung ang kalayaan ay gamitin sa pagpili ng mabuti lamang pero dapat lamang na mapanagutan ang kalayaang pumili sa masama. Tandaan, may kaugnayan ang mga kahalagahan ng kalayaan at karapatan.
May dalawang uri ng nga pala ang kalayaan: Una ay ang PANLOOB NA KALAYAAN na siyang nakasalalay sa ating kilos-loob, freewill, at freedom of exercise ang pangalawa ay ang PANLABAS NA KALAYAAN na siya namang pagnanais ng freewill at maaaring mawala, mabawan o tanggalin kapag may puwersang labas sa kakayahan ng indibidwal.
***************************
Ang kalayaan at pananagutan na ipinagkaloob sa atin ay dapat na gagamitin lang sa wasto. Dapat batid ng bawat isa sa atin na ang kalayaan natin ay laging may kakambal na responsibilidad. Kung gagawin ang mga tungkulin bilang isang nilalang na siyang tagalinang ng kapaligiran at isang mamayan ng bansa, ang kalayaan at ang malayang kilos-loob ay dapat masulit ko. Hindi lang ito para sa pansariling interes kundi para na rin ito sa lahat ng mga taong nasa ating paligid at malamang na maapektuhan sa ating mga gawain. Kung ang kalayaan na nasa tao at kanyang pag-iisip ay ginamit sa mali, dapat lamang na managot ako at tanggapin ang lahat ng parusang dapat ipataw sa maling nagawa.
Tama, kalayaan ay mahalaga. Ngunit hindi rin sapat na malaya lang, dapat ay may disiplina rin ang mga tao.
Answers & Comments
Answer: