Mahalaga ang paggalang sa relihiyon sapagkat ito ay paniniwalang pamana sa atin ng ating mga ninuno.
Iisa ang bibliya subalit may iba’t ibang interpretasyon dito. Ang bawat interpretasyon ay ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Dati pa man iba’ t iba na ang ating relihiyon bunga ng iba’ t ibang grupo ng mga tao na nagpang-abot lamang dito sa Pilipinas. Dahil dito, mayroon din tayong iba’ t ibang paniniwala. Sumidhi ito nang nagkaroon ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Mas dumami ang relihiyon at paniniwala.
Gaano man kadami ang relihiyon, may iisang turo ang mga lider ng simbahan. Ito ay ang paggalang sa bawat relihiyon at nagsisimbolo rin ito ng paggalang sa kanilang paniniwala. Mahalaga ang paniniwala ng iba gaya ng kahalagahan ng ating paniniwala.
Dapat nating igalang ang kanilang relihiyon tulad ng nais nating igalang ang sa atin. Ang hindi paggalang sa iba ay nagpapahiwatig na masama ang turo ng ating relihiyon sa atin. Ipinapakita ng ating kilos ang klase ng relihiyon na ating kinabibilangan kaya kung nais nating ipakita sa iba na magalang ang ating kinabibilangan at pinaniniwalaan, ipakita natin ito sa kanila. Tutal naman, kahit ano pa ang ating relihiyon, iisa lang ang Diyos na ating sinasamba at pinaniniwalaan, igalang natin ang isa’t isa.
Answers & Comments
Answer:
upang magkaroon ng matibay na pananalig, pagkakaisa at respeto sa bawat isa

ILAN SA MGA KILALANG RELIHIYON SA PILIPINAS
Katoliko Romano
Islam
Iglesia ni Kristo
Born Again
Saksi ni Jehova
Protestante
Seventh Day Adventist
Rizalian
Explanation:
sana makatulong