Ang isang mapanagutang mamamayan ay may malasakit sa kanyang bayan. Imbes na punahin ang mga kamalian at kakulangan ng bansa at mga namumuno nito, mas pinipili nyang maging mapagpasalamat sa mga mabubuting bagay na nakukuha natin mula rito. Sinisikap nyang maging huwaran at ehemplo sa ibang tao kahit na mahirap itong gawin o walang ibang gumagawa nito kundi siya lang. Isa sa mga katangian ng mapanagutang mamamayan ay ang pagiging solusyon sa pansariling paraan. Hindi naman kailangan na malaki, malawak, at kapansin-pansin ang pagbabago o solusyon na manggagaling sa atin. Hangga't ito ay nakatutugon sa mga isyu ng lipunan, maaari tayong maging kabahagi ng pag-unlad na hinahangad natin Higit sa lahat, siya ay responsable sa kanyang mga kilos at aksyon tungo sa kapakanan ng nakararami at ng bansa. Ito ay makakayang gawin ng kahit na sinuman. Kung gagawin natin kung ano ang nararapat at tamang gawin, tayo ay nagiging responsable at makakamit natin ang ating pangarap ng mas mabuting lipunan at komunidad.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Hope it helps