Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Manuel L. Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa. Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3 nag nagsasaad na “ . . . . ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas Komonwelt 184. Ang mga miyembro ng lupon ay nagmula sa iba’t iabng panig ng bansa. Matapos ang matamang pag-aaral, lumabas sa rekomendasyon ng lupon na ang Tagalog and dapat maging batayan ng wikang pambansa sapagkat ito ang nakatugon sa tatlong panukatan: (1) sinasalita at nauunawaan ng nakararaming Pilipino, (2) may mayamang panitikang nasususlat at (3) wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon.
Answers & Comments
Explanation:
∞PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN∞