Bakit iilang bansa na lamang ang may tradisyunal na ekonomiya?
A. Nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at kasuotan.
B. Ang mga yaring produkto ay nakatuon lamang sa mga pamilya at tribo.
C. Mabagal ang paraan ng produksiyon.
D. Nakabatay sa kultura at paniniwala.
Answers & Comments
Answer: letter D po Yung answer
Answer:
letter D
Explanation:
Sa ekonomiya ng isang bansa ay may mga sistemang sinusunod upang magkaroon ng ganap na magandang kabuuan ang mga kaisipang nabuo. Ito ay lubos na mahalaga sapagkat nakasalalay ang pang-araw-araw na pangangailangan ng tao. Alinsunod sa mga sistemang pang-ekonomiya, mayroong tinatawag na tradisyunal na ekonomiya. Ano ba ibig sabihin nito? At paano ito naisasakatuparan?
Mahalagang impormasyon
Ang sinasabing tradisyon na ekonomiya ay ang itinuturing na kauna-unahang anyong sistema ng ekonomiya. Ang mga ginagawang desisyon ay laging nakabatay alinsunod sa tradisyon, paniniwala at kultura ng mga tao sa isang lugar na kinabibilangan. Halimbawa ng mga ito ay:
Kaugaliang o kulturang pagmamano sa mga nakatatanda kamag-anak man o hindi.
Paniniwala na kapag may pusang itim na dumaan sa harapan ng isang tao ay dadanas ng kamalasan o mayroong masamang mangyayari.
Ang mga tradisyong ipagdiwang ang Pista depende sa kung anong uri ito at depende rin sa kung saan naninirahan.
Sa mga sinaunang tao, ang mga pagkain ay ibinibigay ng mga kalalakihan na nangangaso at ang mga kababaihan namang nangunguha ng mga bungang-kahoy ay at mga babaeng nagtatanim.
Kumpara sa ibang mga pamamaraan, sa tradisyunal na ekonomiya ang mga nagdedesisyon ay ang mga tribo, komunidad at pamilya sa kung ano ang mga produktong bubuuin, kung paano ito bubuuin at kung para kanino ito ipamamahagi. Ito ay umiikot lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao katulad ng mga:
Damit
Pagkain
Tirahan
Ang mga tao ay hindi na nahihirapan pagdating sa paghahanap buhay sapagkat ang mga trabaho noon ay pangingisda, pagsasaka at pangangaso lamang. Sa madaling salita, napakapayak ng pamumuhay ng mga tao sa ekonomiyang ito. Kung ano ang mga bagay na kanilang matatagpuan sa kanilang mga paligid ang siya nilang gagamitin at papakinabangan.