Si Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis. Apollo rin ang tawag sa kanya sa mitolohiyang Romano. Binabansagan din siyang Phoibos o Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.Kilala siya ng mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.
Answers & Comments
Answer: