B. Wastong Pangangasiwa sa Yamang Tubig
1. Pag-iwas sa paggamit ng ng mga kasangkapang nakapipinsala sa pangingisda.
2. Pag-iwas sa paggamit ng bangkang de motor sa pangingisda.
3. Pagsasaayos sa lugar ng bakawan sa pangingisda.
4. Paggamit ng lambat na may malalaki o katamtamang butas.
5. Hindi pagtatapon ng dumi at basura sa sapa, ilog, lawa at dagat.

C. Wastong Pangangasiwa sa Yamang Kagubatan
1. Maagap na pagtatanim ng mga puno sa mga nakakalbo o nakatiwangwang na gubat.
2. Pagpigil sa gawaing pagkakaingin.
3. Pagputol ng punong may sapat na gulang lamang.
4. Pagtatanim ng punlang puno bilang kahalili ng pinutol na puno.

Wastong Pangangasiwa sa Yamang Mineral
1. Pag-iingat sa pagkasira ng lupang minahan.
2. Pag-aaral sa makabago at siyentipikong pamamaraan ng pagmimina sa bansa.
3. Pagkontrol sa polusyong idudulot ng pagmimina katulad ng pagtatapon ng pinagminahan sa ilog.

Tayahin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang naidudulot ng wastong pangangasiwa sa mga likas-yaman?
a. kaunlaran
b. polusyon
c. kahirapan
d. pagkasira ng kapaligiran



2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa wastong pangangasiwa sa mga likas-yaman?
a. Pagsusunog ng mga bundok upang gawing kaingin.
b. Nagtatanim na muli bilang pamalit sa mga pinutol na puno.
c. Pagpitas ng mga bulaklak at bungangkahoy sa mga lugar na pinupuntahan.
d. Paggamit ng lason sa panghuhuli ng hipon at isda sa ilog at sapa.

3. Kung ang pamilya mo ay nakatira malapit sa ilog, anong wastong pangangalaga ang dapat ninyong gawin?
a. Itapon ang mga basura sa ilog.
b. Itapon sa ilog ang mga patay na hayop.
c. Lilinisin ang paligid ng ilog.
d. Mangingisda gamit ang lambat na may maliliit at pinong butas.

4. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin kung ikaw ay isang turista sa napakagandang Anzap Twin Falls sa lalawigan ng Tarlac?
a. Ihahagis ko sa daanan ang bote na pinaglagyan ko ng inumin.
b. Itatapon ko sa tamang basurahan ang bote na pinaglagyan ko ng inumin.
c. Itatago ko sa ilalim ng puno na aking madadaan ang bote na pinaglagyan ko ng inumin.
d. Iiwan ko sa daluyan ng tubig ang bote na pinaglagyan ko ng inumin.
5. Nagtanim ng gulay ang iyong tiyuhin, alin sa mga sumusunod ang wastong pangangasiwa ang dapat niyang gawin sa kanyang mga pananim?
a. Gawing pataba ang mga nabubulok na dahon, gulay at prutas.
b. Lagyan ng pestisidyo ang mga halaman.
c. Gumamit ng mga kemikal na pataba sa mga halaman.
d. Pabayaan na lamang na mamatay ang mga halaman.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.