B. Panuto: Pagsunud-sunurin ang pangyayari tungokol sa Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes noong 1986. Lagyan ng numero mula isa hanggang sampu (1 – 10)

1. Sa wakas ay natapos na ang pamumuno ni Pang. Marcos, Ang mapayapang rebolusyong tumagal ng apat na araw ang siyang nagbigay-wakas sa pamahalaang Marcos.
2. Ang unang pagsubok sa Lakas ng Bayan o People Power ay naganap noong ika-23 ng Pebrero, kinahapunan ng Linggo nang ang isang convoy na kinabibilangan ng tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA
3. Pebrero 25,1986, ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacañang sakay ng helicopter patungong Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawai
4. Lalong tumibay ang kanilang loob nang manawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito “Butz” Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino, Jr. na tumungo ang mga tao sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa paligid ng Kampo Crame at Kampo Aguinaldo kung saan nagtatago sina Enrile at Ramos kasama ang iba pang mga sundalo.
5. Noong Pebrero 25, ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino. Sa harap ni Mahistradong Claudio Teehankee, si Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay nanumpa bilang pangalawang pangulo sa harap ni Mahistrado Vicente Abad Santos.
6. Sa pagbibitiw ni Fidel at Ramos, nanawagan din si Marcos sa telebisyon, nakiusap siya sa dalawang sumuko at itigil na ang kanilang ginagawang paglaban sa pamahalaan.
7. Hindi nagtagal ay dumating naman ang mga helicopter gunships sa pamumuno ni Kol. Antonio Sotelo.
8. Sa pamamagitan ng Radio Veritas, nanawagan si Ramos at Fidel sa mga mamamayang suportahan sila at mabigyan ng proteksyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan.
9. Hinagisan nila ng mga tear gas ang mga tao upang magkahiwa-hiwalay ang mga ito subalit sila ang umurong sapagkat sa kanila pumunta ang usok ng tear gas
10. Ang People Power o Lakas ng Bayan ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang Pambansa, at si Hen. Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang-Lakas ay tumiwalag sa administrasyong Marcos.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.