ARALING PANLIPUNAN 7 Quarter 2 - Week 7-8 Gawain 1: BASA-SURI Ang China bilang Gitnang Kaharian Ipinagmamalaki ng mga Tsino ang kanilang nasyon. Nag-uugat ito sa katotohanang ang kabihasnan nila'y umusbong sa Huang Ho - Isa sa mga llog ng sinaunang kabihasnan sa daigdig Noong sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang kanilang Imperyo na Zhongguo na nangangahulugang "Middle Kingdom o Gitnang Kaharian". Ibig sabihin nito, naniniwala sila na ang kanilang Imperyo ay sentro ng daigdig at mga kaganapan. Pinaniniwalaan din nila ang pagiging superyor at natatangi ng kan lang kultura at kabihasnan na tinaguriang Sinocentrismo. Parte ng paniniwalang ito ay ang paniniwalang ang kanilang emperador ay "anak ng langit" o son of Heaven at namumuno slya sa kapahintulutan o basbas ng kalangitan (mandate of heaven) Ang Banal na Pinagmulan ng Emperador ng Japan Bagama't humiram ng kultura ang Japan sa China, may sarili rin itong kultura at paniniwala kung sino sila at kung ano ang kanilang katayuan sa daigdig. Pinaniniwalaan ng mga Hapones na ang mga isla nila ay lupa ng mga diyos sa dahllang nabuo at isinilang dito si Amaterasu, ang diyosa ng araw. Pinaniniwalaan din ng mga Hapones na ang kanilang unang emperador na si Jimmu Tenno ay nagmula kay Amaterasu.Banal ang pinagmulan ng emperador ng Japan.Ang alahas, espada at salamin ang kinikilalang banal na sagisag ng emperador hanggang sa ngayon. Noon at ngayon simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapones ang kanllang emperador. Ang Banal na Pinagmulan ng Emperador ng Korea Ang mga Korean ay naniniwala rin sa banal na pinagmulan ng kanilang emperador. Ayon sa kanilang alamat at mito, nagmula ang kanilang pinuno kay Prinsipe Hwanung, na anak ng Diyos ng kalangitan na si Hwanin. Mito ng Pinagmulan at Sinaunang kaisipan sa Timog Silangang Asya Para sa mga taga Timog Silangang Asya, may malakas na ugnayan ang kanilang mga pinuno sa kanilang mga diyos. Ang katutubong relihiyon ng mga taga Timog Silangang Asya ay animismo kung saan naniniwala sila na ang kapaligiran ay pinamamahayan ng mga espiritu o diyos. Sa paninlwala ng mga Mon sa Myanmar, ang kanilang hari ay nangunguna sa ritwal para sa ikasisiya ng kanilang diyos. Pinaniniwalaang ang sagradong tahanan ng mga diyos o espiritu ay nasa matataas na lugar tulad ng bundok. Halimbawa, sa Myanmar ay ang Mount Popa at ang Ba Phnom sa Cambodia. Maging sa Pilipinas, maraming Pilipino noon at ngayon ang naniniwala na ang mga bundok Apo, Banahaw, Arayat at Pulag ay tahanan ng diyos at espiritu. Sa pagpili ng mga pinuno o hari sila ay dapat na natatanging mga lalaki. Ayon kay O.W. Wolters, Isang pangunahing historyador ng Timog Silangang Asya, ang mga sinaunang pinuno ay tinaguriang men of prowess o mga lalaking nagtataglay ng kakaibang galing, tapang o katalinuhan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.