Aralin
1
Mga paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino
sa kolonyalismong Espanyol
Tuklasin
Upang makamit mo ang layunin sa aralin na ito, basahin at sunding mabuti ang
mga pahayag na nasa kahon at pagnilayan mo ang mga maaaring maging angkop na
kasagutan sa mga tanong na nasa ibaba.
Humanap ng isang miyembro ng iyong pamilya sa bahay na iyong magiging
kapareha. Una, pumili sa inyong dalawa kung sino ang magiging Espanyol at kung
sino ang magiging Filipinong katutubo. Ang Filipinong katutubo ay maglalabas ng
kaniyang mga importanteng gamit gaya ng pitaka, libro o bag. Tangkang kukunin ito
ng Espanyol ngunit itatago ito ng katutubo at hindi hahayaang makuha kung sakah
man na may nakuha ang kaparehang Espanyol, subuking kunin itong muli.
Pagkatapos ay magpalit ng ginagampanang papel. Matapos ang gawain ay sagutin
ang mga pamprosesong tanong.
Mga Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mas madaling papel na iyong ginampanan? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
2. Ano-ano ang iyong mga ginawang paraan upang hindi makuha ng iyong
kapareha ang mga importanteng gamit mo?
3. Gaano kahalaga ang pagtatanggol o pag-iingat sa mga bagay o ari-arian na
meron ka? Ipaliwanag​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.