Ang pamahalaan ay may pagtukoy mismo sa mga samahan na may awtoridad na makagawa ng batas at magpatupad nito sa isang espesipikong teritoryo. Ang mga tao dito ay may pananagutan sila na magdesisyon at matugunan ang pangangailangan ng mga taong nasasakupan nila. Nangangahulugan rin ang pamahalaan bilang gobyerno.
Apat na mga kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pamahalaan:
Mahalaga ang pamahalaan para maging mapayapa at magkaisa ang bawat mamamayan.
Mahalaga ang pamahalaan para magpatupad ng batas na nauukol para sa ikakabuti ng mga taong nasasakupan.
Mahalaga ang pamahalaan para mapamahalaan ng ayos ang isang bansa.
Mahalaga ang pamahalaan para matugunan at mabigyan ng solusyon ang iba’t ibang mga suliranin na maaaring kaharapin ng bansa.
Ang pamahalaan ay galing sa salitang ugat na “bahala” na ang ibig sabihin ay “pag-aako ng responsibilidad”. Ang ating pamahalaan ay malaking tulong para sa ikauunad ng isang bansa. Tumutulong ito para sumulong pa ang pagpapaganda sa ekonomiya at pangkabuhayan. At ito rin ay kapaki-pakinabang sa maraming laranagan tulad ng sa edukasyon, pangkalusugan, kaligtasan at marami pang iba. Kaya kung papansinin natin, kung wala tayong pamahalaan, hindi masasaayos ang daloy at patakaran ng isang bansa, at baka ang malala pa ay hindi na magkaisa.
Ang pamahalaan ay umaalalay sa bawat tao sa panahon ng mga suliranin at problemang mga maaaring kakaharapin sa buhay. Nariyan sila para suportahan tayo at ingatan dahil iyon ang kanilang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Kaya ang pangangalaga ng pamahalaan ay may kinalaman rin sa panloob at panlabas na kaugnayan ng ating bansa.
Tingnan ang ilan sa mga katangian ng isang pamahalaan:
Pagiging matapat
Malawak ang pang-unawa may kinalaman sa pangangailangan ng mga taong nasasakupan
Mayroon siyang saloobin na hindi paghahangad ng personal na interes o pagiging sakim
At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkatakot at paniniwala mismo sa Diyos
Kung ikaw ay may pagnanais pang makapagbasa ng karagdagang mga impormasyon na may kaugnayan mismo sa ating paksa, maaari kang bumisita sa mga link na ito na nasa ibaba:
Answers & Comments
Verified answer
Pamahalaan
Ang pamahalaan ay may pagtukoy mismo sa mga samahan na may awtoridad na makagawa ng batas at magpatupad nito sa isang espesipikong teritoryo. Ang mga tao dito ay may pananagutan sila na magdesisyon at matugunan ang pangangailangan ng mga taong nasasakupan nila. Nangangahulugan rin ang pamahalaan bilang gobyerno.
Apat na mga kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pamahalaan:
Ang pamahalaan ay galing sa salitang ugat na “bahala” na ang ibig sabihin ay “pag-aako ng responsibilidad”. Ang ating pamahalaan ay malaking tulong para sa ikauunad ng isang bansa. Tumutulong ito para sumulong pa ang pagpapaganda sa ekonomiya at pangkabuhayan. At ito rin ay kapaki-pakinabang sa maraming laranagan tulad ng sa edukasyon, pangkalusugan, kaligtasan at marami pang iba. Kaya kung papansinin natin, kung wala tayong pamahalaan, hindi masasaayos ang daloy at patakaran ng isang bansa, at baka ang malala pa ay hindi na magkaisa.
Ang pamahalaan ay umaalalay sa bawat tao sa panahon ng mga suliranin at problemang mga maaaring kakaharapin sa buhay. Nariyan sila para suportahan tayo at ingatan dahil iyon ang kanilang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Kaya ang pangangalaga ng pamahalaan ay may kinalaman rin sa panloob at panlabas na kaugnayan ng ating bansa.
Tingnan ang ilan sa mga katangian ng isang pamahalaan:
Kung ikaw ay may pagnanais pang makapagbasa ng karagdagang mga impormasyon na may kaugnayan mismo sa ating paksa, maaari kang bumisita sa mga link na ito na nasa ibaba:
Limang mga halimbawa ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan: brainly.ph/question/4650086
Ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan: brainly.ph/question/466708
Walong uri ng pamahalaan: brainly.ph/question/1046967
#BrainlyEveryday