Bawat tao ay may iba't ibang dahilan ng pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matamo ang kanilang pangangailangan o kasiyahan.
PRODUKTIBONG PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo ay maituturing na produktibo kapag ang isang produkto ay ginagamit o kinokonsumo upang makabuo ng iba pang kapaki-pakinabang na produkto.
TUWIRANG PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo ay maituturing na tuwiran o daglian kapag ang taong gumagamit ay nasisiyahan kaagad o natatamo anng kaniyang mga pangangailangan.
MAAKSAYANG PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo ay maituturing na maaksaya kapag ito ay sobra sa kaniyang pangangailangan o kagustuhan.
MAPANGANIB O NAKAPIPINSALANG PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo ay maituturing na mapangabib o mapinsala kapag ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng tao.
LANTAD NA PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo ay maituturing na lantad kung gumagamit lamang ng mga mamahalin na produkto kapag may ibang taong kaharap o bumibili ng mga gamit na mahal kahit hindi kaya.
Mga Salik sa Nakaiimpluwensiya sa Pagkonsumo
May iba't ibang salik na nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian at sitwasyon ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo.
Answers & Comments
Verified answer
Uri ng Pagkonsumo