Bukod sa presyo, mayroon pang ibang mga dahilan na nagtutulak sa mga mamimili na gustuhin at bilhin ang mga produkto at serbisyo.
DAMI NG MAMIMILI
Kapag dumarami ang populasyon, ito ay nangangahulugang maraming konsyumer ang mangangailangan o magnanais ng produkto o serbisyo kung kaya't tumataas ang demand ng mga produkto o serbisyong ito.
KITA
Kapag ang kita o salaping natatanggap ng mga mamimili ay lumalaki, tumataas din ang kanilang kahandaan, kagustuhan at kakayahang bumili ng mga produkto.
PRESYO NG KAPALIT NG PRODUKTO
Ang mga mamimili ay humahanap na pamalit sa mga produkto o serbisyo upang makamura kung kaya't ang mga pamalit na produkto o serbisyo ang tumataas ngayon ang demand.
PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO
Kapag tumaas ang demand sa isang produkto o serbisyo ay tataas din ang demand para sa mga kaugnay nitong produkto o serbisyo.
PANLASA/ KAGUSTUHAN
Ang demand para sa isang produkto ay maaaring mabago depende sa kagustuhan, emosyon, at kasalukuyang estado ng mga mamimili.
EKSPEKTASYON
Ang kasalukuyang mga pangyayari at mga inaasahan ay maaaring makaapekto sa demand.
OKASYON
Tumataas ang demand sa mga produkto o serbisyong may kaugnayan sa ipinagdidiriwang na okasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaaring bisitahin ang link na ito:
Answers & Comments
Verified answer
KATANUNGAN:
Anu ano ang mga salik na nakakaapekto sa demand?
KASAGUTAN:
DAMI NG MAMIMILI
KITA
PRESYO NG KAPALIT NG PRODUKTO
PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO
PANLASA/ KAGUSTUHAN
EKSPEKTASYON
OKASYON
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaaring bisitahin ang link na ito:
=================