Pangulo, Lider o Pinuno. Kahit anong itawag dyan, iisa lamang ang kanilang kagustuhan, angpaunlarinangbansangkanilangpinamumunuan.
Narito ang katangian na dapat taglayin ng isang Pangulo:
Unang una,DapatkilalaniyaangnakatataasatitoangDiyos. Ang Diyos ang gagabay sa atin mula pa sa simula. Sa pamumuno niya, ang Diyos ang tutulong sa kanya. Lahat ng gagawin niya para sa bansa ay mula sa salita at aral ng ating Maykapal.
Dapatmaypaninindigan. Bilang isang pangulo dapat na iyong tuparin ang iyong pangako, kailangan na ito'y iyong paninindigan. Kailangan lahat ng iyong ipinangko ay maisakatuparan upang hindi mawalan ng tiwala ang mga mamamayan. Buong puso niya dapat tanggapin ang mga responsibilidad at ingatan ito.
Nararapatnamaymabutisiyangpusosamasa. Ang isang pangulo ay dapat mabait, hindi lamang sa harap ng kamera kundi kahit wala ang mga ito. Kailangan niyang mahalin nang buong puso ang kanyang tungkulin, bayan at nasasakupan. Kapag may sakunang dumating at kailangan ng saklolo, kailangan na tumulong sa mga katoto.
Dapatmatapat. Hindi lamang ang mga salita kundi dapat ginagawa. Mula sa phrase sa ingles na "Action speaks louder than words" ibig sabihin nito na gawin mo ito kaysa sa salita. Dito sumasalamin ang tunay na kulay. Dito natin makikita kung magagawa niya ba ang kanyang mga pangako at responsibilidad.
Marapatnasiyaaymatulunginatmaunawain. Ang isang pangulo ay hindi dapat iniintindi ang isang parte kundi ang kabuuan nito. Hindi dapat ito'y nagbubulag-bulagan, kailangan niyang harapin at ayusin ang mga suliranin na maaaring dumating. Kailangan niyang isipin ng maigi at may solusyon sa mga problema. Kailangan rin niyang hingin at pakinggan ang mga opinyon ng kanyang mamamayan. Kailangan niyang buksan ang isipan nito dahil hindi agad sasang-ayunan ito ng mga tao.
Nararapatrinnamaalamatmaymalawaknakaalamansapagpapalakadngsinasakupan. Sa lahat ng desisyon na kanyang gagawin, nararapat na isaalang-alang niya ang ikabubuti ng lahat. Tungkulin niya na alam ang pagpapalakad ng bansa. Ang kaalaman na ito ay hindi tungkol sa kagalingan o katalinuhan kundi alam niya ang angkop na estratehiyang (strategy) sa mga sitwasyong mahaharap o kinakaharap.
Huli at pinakaimportante, dapatpantayangkanyangtinginsalahat. Dapat patas ang kanyang pagtingin sa lahat kahit magkaiba ang kanilang estado. Bata, babae, lalaki, matanda, mahirap man o mayaman, dapat pantay-pantay. Walang paburan ang isang lider datapwa't pare-pareho ang pakikitungo niya. Pare-pareho tayong lahat na TAO, dapat pare-pareho rin ang ating karapatan. Kung ano ang mayroon siya, dapat mayroon ka din.
Ang bansa ay hindi maituturing na bansa kung walang namumuno. Ang pinuno na siyang gabay at ang magpapaunlad ng ekonomiya. Ang pangulo ay dapat isang magandang impluwensiya o modelo para sa kanyang mamamayan. Kung sila ay may kamalian, h'wag natin s'yang maliitin sapagkat may kamalian rin sya. Kung ang pangulo natin ay madaming suliranin na nahaharap, kailangan nating tumulong bawat isa. Alam natin na marami pa ang pwedeng mangyari.
Sa panahon ngayon, hindi natin maitatanggi na nahihirapan ang ating pangulo ngayon. Ang una ay ang paglutas ng ating problema dahil sa bayrus na lumalaganap. Sa ngayon, ang kapakanan ng kanyang sinasakupan ang kanyang iniintindi. Kung tayo ay tutulong at mabawasan ang mga kaso dapat gawin natin ito para sa ikabubuti ng ating ekonomiya, balang araw makakamit ulit natin ang dating mundo at ang kaunlaran ng ating bansa na syang ating pinapangarap. Bilang isang mamamayan, tutulong tayo ng sama-sama at manalangin sa Diyos, at ang ating pinapangarap ay syang magkatotoo.
P.s: If you want a short answer, just copy the highlightedparts.
Answers & Comments
Answer:
Dapat ito ay
•Matapat
•May kilala sa diyos
•Matalino
•At kayang paunlarin ang pilipinas at hindi puro salita lang
Para sa kaunlaran ng bansa at ng mga pilipino
Explanation
Hope it helps
Pangulo, Lider o Pinuno. Kahit anong itawag dyan, iisa lamang ang kanilang kagustuhan, ang paunlarin ang bansang kanilang pinamumunuan.
Narito ang katangian na dapat taglayin ng isang Pangulo:
Ang bansa ay hindi maituturing na bansa kung walang namumuno. Ang pinuno na siyang gabay at ang magpapaunlad ng ekonomiya. Ang pangulo ay dapat isang magandang impluwensiya o modelo para sa kanyang mamamayan. Kung sila ay may kamalian, h'wag natin s'yang maliitin sapagkat may kamalian rin sya. Kung ang pangulo natin ay madaming suliranin na nahaharap, kailangan nating tumulong bawat isa. Alam natin na marami pa ang pwedeng mangyari.
Sa panahon ngayon, hindi natin maitatanggi na nahihirapan ang ating pangulo ngayon. Ang una ay ang paglutas ng ating problema dahil sa bayrus na lumalaganap. Sa ngayon, ang kapakanan ng kanyang sinasakupan ang kanyang iniintindi. Kung tayo ay tutulong at mabawasan ang mga kaso dapat gawin natin ito para sa ikabubuti ng ating ekonomiya, balang araw makakamit ulit natin ang dating mundo at ang kaunlaran ng ating bansa na syang ating pinapangarap. Bilang isang mamamayan, tutulong tayo ng sama-sama at manalangin sa Diyos, at ang ating pinapangarap ay syang magkatotoo.
P.s: If you want a short answer, just copy the highlighted parts.