Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.
Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas.
Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.
Gaya ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong pangtubig, at pinagkukunan ng mga pagkain at mga palamuti.
Explanation:
Ang kapaligiran at heograpiya ay may malaking ambag sa pag-unlad ng Asya sapagkat sa kapaligiran nagmumula ang mga pangunahing pangangailangan ng tao at mga produktong kanilang maaaring ibenta sa mga kalapit na bansa na magbubunsod sa malaking kita na mag-aangat ng kanilang ekonomiya. Sa kabilang banda, ang heograpiya ang nagiging batayan ng isang bansa kung anong klaseng mga imprastraktura ang maaaring ipatayo na magbubunsod sa paglakas ng turismo at kung ano-anong uri ng trabaho ang maaaring maipagkaloob sa mga naninirahan dito.
Answers & Comments
Answer: