Ano Sa Iyong Palagay?
Piliin at bilugan ang tamang sagot.
1. Lumaki ng lumaki ang populasyon sa mga lungsod dahil sa _______.
a. ekonomiya
b. kakulangan ng edukasyon
c. mataas na fertility rate
d. migrasyon
2. Ang overpopulation at kahirapan ay mga suliraning maiuugnay sa _______.
a. batang populasyon ng bansa
b. maigting na kampanya ng gobyerno laban sa kahirapan
c. kawalan ng edukasyon sa pagpaplano ng pamilya
d. migrasyon at pagtratrabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa
3. Ang isang epekto ng pagdami ng kabataan at matatanda sa populasyon ay ang ______.
a. kahandaan sa kalamidad
b. kawalan ng edukasyon
c. mabagal na pag-unlad ng bansa
d. pag-liit ng populasyon
4. Ang pinaka-magandang epekto sa bansa ng pag-laki ng bilang ng mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ay _______.
a. karagdagang karanasan sa mga manggagawang Pilipino
b. kaunlarang pang-ekonomiya sa bansa
c. pagganda ng relasyon ng mga pamilya ng mga manggagawa
d. pagyaman ng mga pamilya ng mga manggagawa
5. Ang sanhi ng paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na hindi nakatatapos
ng elementarya at sekondarya ay ________.
a. kakulangan ng mga paaralan
b. kakulangan ng edukasyon ng mga mag-aaral
c. kahirapan
d. katamaran
6. Ang solusyon upang malutas ang pagdami ng mga walang trabaho
ay .
a. pagganyak sa mga dayuhan na magnegosyo sa Pilipinas
b. pagganyak sa mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa
c. pagganyak sa mga Pilipino na mag-aral muli upang madagdagan
ang kanilang kasanayan
d. pagkontrol ng migrasyon
7. Ang pagtaas ng fertility rate sa isang bansa ay nagbubunga ng _______.
a. kahirapan
b. pagdami ng krimen
c. paglaki ng populasyon
d. polusyon
8. Isang solusyon upang maiwasan ang migrasyon sa lungsod ay ang _______.
a. edukasyon
b. paggawa ng isang batas upang higpitan ang mga tao sa paglipat sa
ibang lugar
c. pagganyak sa mga Pilipino na mangibang-bansa
d. pagpapaunlad sa mga lalawigan
9. Ang dapat unahin ng pamahalaan upang mapaunlad ang mga
mamamayan bilang yaman ng bansa ay ang ________.
a. edukasyon
b. kalusugan
c. pabahay
d. trabaho
10. Ang magandang ekonomiya ay nagbubunga ng ________.
a. kasiyahan ng mga mamamayan
b. pagdami ng trabaho sa bansa
c. pagdami ng bilang ng mayayaman
d. paghusay ng pamamalakad ng pamahalaan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.