.1. Mga Paraan sa Pagsasailalimsa Pilipinas Aralin 8 Junriel L. Daug Bugwak Elementary School Yunit II
2. Sa matagumpay na pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, nagsimulang magbago ang kinagisnang pamumuhay ng mga katutubong Filipino na napasailalim sa kapangyarihang Espanyol. Panimula
3. Sinasabing malaki ang papel na ginampanan ng Simbahan o ang relihiyong dala ng mga mananakop sa tagumpay ng kolonyalismo. Gayundin, nagpatupad ng iba’t ibang patakaran ang pamahalaang Espanyol upang maging mas epektibo ang kolonyalismo. Panimula
4. Magsagawa ng isang dula-dulaan sa klase. May gaganap na panginoong maylupa o taong nagmamay-ari ng lupa at ang iba ay gaganap bilang magsasaka. Magpapatupad ng kautusan ang panginoong maylupa upang magtrabaho ang mga magsasaka sa kaniyang bukid nang walang bayad. Bukod pa dito ay kailangan pang magbayad ng buwis ang magsasaka sa panginoong maylupa. Subukin Natin
5.Nagpatupad ng iba’t ibang pamamaraan ang mga Espanyol upang maging matagumpay ang pananakop gaya ng Kristiyanismo, reduccion, tributo, encomienda, at sapilitang paggawa. Malaki ang naging epekto ng mga patakarang ito sa pamumuhay ng mga katutubo. Bagama’t naging instrumento ito sa pagsakop sa Pilipinas, nagsilbing daan naman ito upang magkaroon ng kamalayan ang mga katutubo para ipagtanggol ang sarili at pagbubuo ng bayan. Unawain Natin
Answers & Comments