Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang dakila at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kung di man damong makamandag.
Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katuwiran.
Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda… ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
Dangal at hindi ang pagnanasang makasarili ang inuuna ng may dakilang kalooban; pagnanasang makasarili at hindi dangal ang inuuna ng may hamak na puso.
Ang babae ay huwag ituring na isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nag-iwi sa iyong kasanggulan.
Answers & Comments
Answer: