“Kartílya ng Katipúnan” ang popular na tawag sa akda ni Emilio Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó.
Explanation:
Mapapansin sa “Kartilya ng Katipunan” ang tuntuning moral at etiko na nais pairalin sa Katipunan bilang tunay na kapatirang Filipino. Idinidiin nitó ang pag-ibig sa kapuwa at pagtutulungan, ang paniniwala sa katwiran, at ang pag-iingat sa dangal at puri bilang tao. Gayunman, taglay din nitó ang pangunahing mga simulaing demokratiko, gaya ng pagkakapantay ng tao anuman ang kulay ng balát, antas ng kabuhayan, at pinag-aralan. Ipinangangaral din nitó ang mataas na pagtingin sa kababaihan at ang mabigat na tungkulin ng lalaki na alagaan ang asawa at anak. Sa dulo, iginiit ang pag-ibig sa kalayaan at ang kahandaan ng kasapi na ihandog ang sarili para sa bayan. Wika nga ni Jacinto, ang “kamahalan ng tao” ay tinitimbang alinsunod sa “magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri” at lalo na”y “di napaaapi’t di nakikiapi,” at “marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.”
Answers & Comments
Answer: