Ayon sa Artikulo VIII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon, ang kapangyarihan ng Hudikatura ay nakasalalay sa Korte Suprema (Supreme Court) at mga mababang korte (lower courts).Katungkulan nitong desisyunan ang mga pagtatalo hinggil sa mga karapatang ipinagkaloob ng batas sa bawat mamamayan. Pagpapasyahan ng mga korte ng Hudikatura kung napagkait o nalabag ang legal na karapatan ng isang partido, at maaari itong gumawa ng mga hakbang upang maibalik ang karapatang ito sa mananalo sa kaso.
Mga Batas at Pamamaraan
Mga Batas at PamamaraanAng inamyendahang Rules of Court of the Philippines at ang Rules and Regulations na iniisyu ng Korte Suprema ang nagtatakda ng mga susunding tuntunin at pamamaraan ng Hudikatura. Ang mga batas na ito ay nasa anyo ng mga:
usaping pampangasiwaan (administrative matters)
kautusang pampangasiwaan (administrative orders)
palibot-sulat (circulars)
memorandum sirkular (memorandum circulars)
kautusang memorandum (memorandum orders)
at sirkular ng Office of the Court Administrator (OCA circulars)
Ipinamamahagi ng Korte Suprema ang mga kasulatang ito sa lahat ng hukuman. Inilalathala din ang mga mahahalaga sa mga pahayagan, inililimbag bilang aklat o polyeto, at inilalagay sa website ng Korte Suprema at kanilang E-Library upang makita maging ng publiko.
Answers & Comments
Answer:
Ang Hudikaturang Sangay
Ayon sa Artikulo VIII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon, ang kapangyarihan ng Hudikatura ay nakasalalay sa Korte Suprema (Supreme Court) at mga mababang korte (lower courts). Katungkulan nitong desisyunan ang mga pagtatalo hinggil sa mga karapatang ipinagkaloob ng batas sa bawat mamamayan. Pagpapasyahan ng mga korte ng Hudikatura kung napagkait o nalabag ang legal na karapatan ng isang partido, at maaari itong gumawa ng mga hakbang upang maibalik ang karapatang ito sa mananalo sa kaso.
Mga Batas at Pamamaraan
Mga Batas at PamamaraanAng inamyendahang Rules of Court of the Philippines at ang Rules and Regulations na iniisyu ng Korte Suprema ang nagtatakda ng mga susunding tuntunin at pamamaraan ng Hudikatura. Ang mga batas na ito ay nasa anyo ng mga:
Ipinamamahagi ng Korte Suprema ang mga kasulatang ito sa lahat ng hukuman. Inilalathala din ang mga mahahalaga sa mga pahayagan, inililimbag bilang aklat o polyeto, at inilalagay sa website ng Korte Suprema at kanilang E-Library upang makita maging ng publiko.
Explanation:
sana makatulong