24 Ang Pagsiklab ng Rebolusyon Maraming mga monarko sa Europa ang naapektuhan ng malaki sa pagsiklab ng Rebolusyon sa Pransiya. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang pulbusin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga nobilidad ng Pransiya ay nakikipagbuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at daan sa mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI mga ilang araw lang ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunud-sunod nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang Pransiya. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isangabogadong nagngangalang Georges Danton
Answers & Comments