Ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity ay malaki. Ang sexual orientation ay tumutukoy sa kung ano ang emosyonal, sekswal at romanitikong pakiramdam ng isang tao ukol sa ibang kasarian. Ang gender identity naman ay ang internal na pakiramdam ng tao ukol sa kanyang kasarian. Kaugnay nito, ang iba pang detalye tungkol sa pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity ay nasa ibaba.
I. Sexual Orientation
Ano ang sexual orientation? Ang sexual orientation o kamalayang pangkasarian ay tumutukoy sa kung kanino naaakit ang isang tao. Ito rin ay kung ano ang emosyonal, sekswal at romantikong pakiramdam ng isang tao ukol sa ibang tao na may parehong kasarian, ibang kasarian o higit pa sa isang kasarian. Ang sexual orientation ay tungkol sa kung "sino ang gusto mong makasama".
Ang halimbawa ng sexual orientation ay ang mga "gay", "lesbian", "straight", "bisexual" at "asexual" sa wikang Ingles.
II. Gender Identity
Ano ang gender identity? Samantala, ang kahulugan ng gender identity ay ang internal na pakiramdam ng isang tao - kung sino siya. Ito ay ukol sa pagiging babae, pagiging lalaki, pagiging parehong babae at lalaki, o hindi pagiging babae o lalaki. Ang gender identity ay hindi tungkol sa kung "sino ang gusto mong makasama" kundi "kung sino ka".
Ang halimbawa ng gender identity ay ang mga "male", "female", "genderqueer" sa wikang Ingles. (Ang "genderqueer" ay isang tao na hindi iniuugnay ang kanyang sarili sa anumang gender.)
Iyan ang pagkakaiba ng mga katagang sexual orientation at gender identity.
Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa sexual orientation at gender identity:
Answers & Comments
Answer:

Mga uri ng kasarian/ Gender at Sex: brainly.ph/question/1064186
Ano ang pagkakaiba ng gender sa sex: brainly.ph/question/1035309
Ano ano ang mga katangian ng sex at gender: brainly.ph/question/1039864
Explanation: