Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan noong panahon ng mga kolonyalistang Kastila ay ang Kalayaan, na siyang unang nailimbag noong Marso 1896. Naging patnugot nito ang bayaning si Emilio Jacinto, na siya ring nakilala bilang tagapag-sulat ng Kartilya ng Katipunan at bilang Utak ng Katipunan. Naging mahalagang kasangkapan ng rebolusyon ni Andres Bonifacio ang Kalayaan, dahil dito nila isinulat ang mga bagay na makakaimpluwensya at mas makakapag-igting pa sa galit ng mga Pilipino, at upang sila ay sumali na sa Katipunan.
Answers & Comments
Answer:
kalayaan
Explanation: